AKSIDENTE SA PRESINTO, NILINAW
Isang malungkot na aksidente ang naganap sa Police Precint I ng Olongapo City.
“Base sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas-8:30 ng gabi ng Marso 20, 2006 Lunes, nang diumano’y aksidenteng pumutok ang isang depektibong armalite na ikinasawi ng isang tao,” saad ni Olongapo PNP Chief Flor Buentipo.
Biglaang pumutok ang naturang armalite na nasa kustodiya ni Police Inspector Zaldy L. Lising, PPS Deputy Commander, habang isinasaayos ang baril. Nang hindi maigalaw ang switch nito sa “safety lock”, nagpatulong si Lising sa isa pang kasamahan, ngunit nang maipihit sa kaliwa ang switch ay bigla-bigla na lamang nagpupuputok ang kargadong baril. Tila nagkaroon ng sariling buhay ang baril na paikot pang nagbuga ng kabuuang 20 bala na nagdulot ng iba’t-ibang tama sa mga pader at poste sa paligid ng gusali. Isang sibilyang police asset naman ang tinamaan ng bala at hindi na umabot ng buhay nang isugod sa hospital.
Agad na napag-alaman ni Mayor James “Bong” Gordon Jr. ang insidente at agad na ipinag-utos kay PNP Chief Buentipo na i-relieve muna ang sangkot na pulis na si Lising at magsagawa ng imbestigasyon upang matukoy ang kabuuan ng kaganapan. Samantala, sa pamilya ng nasawing biktima ng aksidente, agad na nagpaabot ng pakikiramay at pagtulong sa kanila ang punong-lungsod.
“Isang aral ang natutunan natin sa pangyayari at dapat na huwag ng maulit ito,” ani Mayor Gordon na halatang nalungkot sa nangyari sapagkat ang pwersa ng Kapulisan ng Lungsod ay maipagmamalaki lalo pa’t humahakot ito ng karangalan bilang Best Police Office at Regional Peace and Order Awardee.
Sa lalong madaling panahon, ay pupulungin ang mga Kapulisan ng Lungsod upang magsagawa ng refresher seminars ukol sa tamang paghawak at pag-iingat sa mga armas. “Bagamat tinatayang aksidente lamang, kailangang makasigurong hindi na muling mangyari ang insidenteng ito kung saan may buhay na maaaring mabuwis,” dagdag ni Buentipo.
Olongapo City Public Affairs Office

0 Comments:
Post a Comment
<< Home