TAGA- AGUSUHIN, SUBICHUMINGI NG TULONG SA OLONGAPO
Nagsagawa ng rally ang Samahan ng Malayang Nagkakaisang Residente ng Agusuhin (SAMANRA) sa lansangan ng Lungsod ng Olongapo upang hingin ang suporta nito na ipaabot ang kanilang hinaing sa isinasagawang demolisyon sa Agusuhin, Subic kung saan sinisimulan na ang clearing operation para sa itatayong shipyard para sa bagong freeport investor.
Sa kanilang mga banners, pinasasagot ng mga taga-Agusuhin sina Gov. Vicente Magsaysay, Subic Municipal Mayor Jeffrey Khonghun, SBMA Chairman Fil Salonga at Administrator Arreza sa pagbabalewala ng kanilang mga karapatan bilang mga matatagal nang residente ng Agusuhin. “Walang nangyaring dialogue man lamang sa pagitan ng mga residente at kara-karaka’y demolisyon na ang ginagawa nila. Ni wala pang relokasyon para sa mga nakatira doon. Kaya nga’t andito kami sa Olongapo, lumalapit kay Mayor Bong Gordon at umaasa kaming makikinig siya para suportahan kami at ipaabot ang mga hinaing namin sa mga tumapak ng karapatan namin,” saad ni Leopoldo Salcedo, miyembro ng SAMANRA.
Ayon sa SAMANRA, “Marami na kaming sakripisyo para sa komunidad na ito, pero mawawala lang lahat ito dahil sa proyekto”. Dagdag pa niya, “hanggang ngayon, wala pa kaming alam na paglilipatan. Ang hiling lang sana namin, igalang ang karapatan ng mga taga-Agusuhin.”
Olongapo City Public Affairs Office
0 Comments:
Post a Comment
<< Home