P5M PONDO PARA SA CLRAA,APRUBADO
Triple-kayod ang buong pwersa ng Dep-Ed, Pamahalaang Lokal at iba pang sektor para sa preparasyon ng nalalapit na Central Luzon Regional Athletic Association (CLRAA) Games 2006. Ang pagtanggap ng Lungsod ng Olongapo sa hosting ng CLRAA bagaman ang abiso ay madalian at biglaan ay isang malaking hamon.
Kaya nga’t agad na inatasan ni Mayor James “Bong” Gordon Jr. si Kgd. Mareybeth Marzan na mamahala para sa agarang pag-iimplementa ng paghahandang kinakailangan. Tuluy-tuloy ang pulong na ginaganap ng mga concerned na departamento para maisaayos ang mga venues ng palaro at mga tutuluyan ng mga delegasyon ng mga manlalarong kabataan mula sa iba’t-ibang lalawigan sa buong Central Luzon.
Upang mapasimulan na agad ang paghahanda, isang urgent motion sa Sanggunian Panlungsod nitong Marso 23, 2006 ang inaprubahan upang makapaglabas ang P5 Milyong pondo mula sa General Fund ng Office of the City Mayor. Ito ay maliit na pondo lamang kumpara sa P14milyong pondo para sa hosting ng lungsod sa CLRAA noong 2004 na gumugol ng malaki sa pagpapagawa ng mga infrastructures.
“Isinaalang-alang ko lamang na ang paglalabas ng pondo ay may malaking balik naman sa ekonomiya ng lungsod. May tinatayang sampung-libong mga bisita ang inaasahan na darating para sa CLRAA,” saad ni Mayor Gordon.
Naging malaki naman ang suportang ibinigay ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) para tulungan ang lungsod sa pagho-host. Ilang mga venues na gagamitin ay mga pasilidad sa Freeport.
“It is indeed the new and old Olongapo working hand in hand on this sports event. We’ve done it with the SEA Games and with the Boy Scouts Jamborette, and so with this.”
“Bukod sa suportang kailangan ng ating mga kabataang manlalaro, ang balik na pakinabang ng CLRAA ay ang turismo at kalakalan na makukuha natin sa mga dadagsang delegasyon mula sa iba’t-ibang lugar sa rehiyon. Ito ang isang bentahe ng mga ganitong sports event.”
Olongapo CIty Public Affairs Office

1 Comments:
dapat magkaroon ng coliseum ang olongapo katulad ng ibang city. sana pagandahin pa ang tapinac katulad ng remyfield.
By Anonymous, at 4/13/2006 3:03 PM
Post a Comment
<< Home