HANDOG SA ‘GAPO NI SEN. DICK SA KANYANG KAARAWAN
Nakagawian na sa Olongapo ang ipagdiwang ang kaarawan ng minamahal na anak ng lungsod na si Senator Richard “Dick” Gordon. “Hindi magiging kumpleto ang selebrasyon ng araw na ito kung hindi kasama ang mga mahal kong kababayan,” saad ni Sen. Dick Gordon.
Napuno ang Olongapo City Convention Center nitong Sabado, Agosto 5, 2006 ng mahigit-kumulang limang-libo (5,000) katao na nagtipon para ipagdiwang ang kanyang kaarawan. Nagkaroon ng palabas at presentasyon ang iba’t-ibang grupo at mga artista bilang regalo sa senador at para sa mga manonood. Nagkaroon din ng pa-raffle ng mga regalo, appliances at grocery items mula sa mga donasyon ng iba’t-ibang organisasyon at kumpanya para sa dagdag-kasiyahan ng lahat ng mga mamamayang dumalo.
Napuno ng banner at streamers ang loob at labas ng Convention Center na magiliw na bumabati sa butihing lider. Maging sa iba’t-ibang establisyimento sa lungsod ay nakasabit ang mga banner ng pagbati.
Muling narinig ng mga taga-Olongapo ang boses na naging malaking impluwensya sa mga values ng lungsod na hindi na nabura sa puso at isip ng bawat Olongapeño, tulad ng “Aim High Olongapo” at “Bawal ang Tamad sa Olongapo”.
Labis-labis ang pagkasabik ng mga taga-Olongapo upang muling marinig ang mga positibo at puno ng motibasyong mga pananalita mula sa pinakamamahal at ipinagmamalaking anak ng Olongapo. Nabigyan din ng pagkakataon ang karamihan upang lumapit, yumakap, magpa-autograph at magpakuha ng litrato sa senador.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Sen. Gordon na lagi niyang ipinagmamalaki ang mga taga-Olongapo saan man siya pumunta at anumang posisyon ang hawakan niya sa gobyerno. Patuloy ang pagmamalasakit niya sa Olongapo, “kung kaya’t ang malaking bahagi ng aking development fund ay ginamit para sa mga infra-projects ng lungsod,” saad ng senador. Ibinalita rin ni Sen. Dick Gordon ang proyektong naganap kinabukasan, Agosto 6, kaugnay ng pagdiriwang ng kanyang kaarawan. “Handog ko para sa mga taga-Olongapo ang medical-dental mission at Job Fair kinabukasan.”
Dinumog ng maraming mga mamamayan ang Rizal Triangle Covered Court para sa ipinangako ng Senador. Mismong si Sen. Dick, na siya ring Chairman ng Philippine National Red Cross, ang tumingin ng kaayusan ng pagseserbisyo ng mga doktor at dentista. Marami ding nabiyayaan sa naganap na Job Fair sa pakikipagtulungan naman ng Olongapo Labor Center.
Napuno ang Olongapo City Convention Center nitong Sabado, Agosto 5, 2006 ng mahigit-kumulang limang-libo (5,000) katao na nagtipon para ipagdiwang ang kanyang kaarawan. Nagkaroon ng palabas at presentasyon ang iba’t-ibang grupo at mga artista bilang regalo sa senador at para sa mga manonood. Nagkaroon din ng pa-raffle ng mga regalo, appliances at grocery items mula sa mga donasyon ng iba’t-ibang organisasyon at kumpanya para sa dagdag-kasiyahan ng lahat ng mga mamamayang dumalo.
Napuno ng banner at streamers ang loob at labas ng Convention Center na magiliw na bumabati sa butihing lider. Maging sa iba’t-ibang establisyimento sa lungsod ay nakasabit ang mga banner ng pagbati.
Muling narinig ng mga taga-Olongapo ang boses na naging malaking impluwensya sa mga values ng lungsod na hindi na nabura sa puso at isip ng bawat Olongapeño, tulad ng “Aim High Olongapo” at “Bawal ang Tamad sa Olongapo”.
Labis-labis ang pagkasabik ng mga taga-Olongapo upang muling marinig ang mga positibo at puno ng motibasyong mga pananalita mula sa pinakamamahal at ipinagmamalaking anak ng Olongapo. Nabigyan din ng pagkakataon ang karamihan upang lumapit, yumakap, magpa-autograph at magpakuha ng litrato sa senador.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Sen. Gordon na lagi niyang ipinagmamalaki ang mga taga-Olongapo saan man siya pumunta at anumang posisyon ang hawakan niya sa gobyerno. Patuloy ang pagmamalasakit niya sa Olongapo, “kung kaya’t ang malaking bahagi ng aking development fund ay ginamit para sa mga infra-projects ng lungsod,” saad ng senador. Ibinalita rin ni Sen. Dick Gordon ang proyektong naganap kinabukasan, Agosto 6, kaugnay ng pagdiriwang ng kanyang kaarawan. “Handog ko para sa mga taga-Olongapo ang medical-dental mission at Job Fair kinabukasan.”
0 Comments:
Post a Comment
<< Home