Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Wednesday, August 09, 2006

KATAPATAN NG MANGGAGAWANG ‘GAPO NASUBUKAN MULI

Nangibabaw ang katapatan nang dalawang residente ng lungsod ng kanilang ibalik ang wallet na naglalaman ng malaking halaga at ATM cards na naiwan ng isang Japanese Citizen sa isa sa mga hotel sa Subic Bay Freeport Zone (SBFZ).

Hindi nagdalawang-isip sina Angelin Danila ng Brgy. Gordon Heights at Gerard Sumague ng Brgy. Kalaklan kapwa empleyado ng Subic International Hotel na ipagbigay alam sa mga opisyales nito ang natagpuang wallet.

Ayon sa incident report ni Armed Security & Detective Unit Detachment Commander Don A. Gabriola, habang nagsasagawa ng paglilinis sina Danila at Sumague sa Room 410 Alpha Building ng hotel ay kanilang nakita ang isang black leather wallet.

Kaagad ipinaalam ng dalawang room attendant kay Hotel Executive Assistant Manager Angelito Filamor ang natagpuang wallet na nakalagay sa ilalim ng kama ng kwarto at sa pagsisiyasat napag-alaman na naglalaman ito ng assorted Japanese Yen na nagkakahalaga ng Y61,000 at P 2,750.00, ATM cards at insurance certificate.

Base sa pangalang nakasaad sa isa sa mga ATM Card, si Noriaki Yamamoto mula sa NIDEC-Subic ay isa sa mga visiting officer ng kompanya na pansamantalang tumuloy sa nasabing hotel ayon kay ni NIDEC Gen. Affairs Staff Ana Lat.

Bagamat hindi na nakilala ni Yamamoto ang dalawang room attendant dahil ilang araw bago matagpuan ang wallet ay bumalik na ito sa Japan, ay nagpa-abot ito ng pasasalamat at pag-bati sa pamamagitan ng NIDEC-Subic dahil sa ipinakitang katapatan ng dalawang Olongapeño.

‘’Sinubukan kami ng Panginoon kung gaano katibay ang aming katapatan sa aming trabaho at kung gaano kami katatag bilang tao sa mapanuksong pagkakataon,’’ wika ni Angelin Danila.

Matatandaan na ilang ulit na ring nagpakita ng katapatan ang ilan pang mga residente ng lungsod sa ibat-ibang pagkakataon na nagpapakita lamang na ang mga Olongapeños ay angat sa lahat.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012