Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Saturday, November 18, 2006

PROBLEMA NG MGA FIL-AM SA ‘GAPO, SOSOLUSYUNAN!

Isang outreach program laan para sa mga lehitimong anak at asawa ng isang American Citizen ang isasagawa sa Lungsod ng Olongapo sa pakikipag-tulungan ng isang American Non-Government Organization (NGO).

Sa inisyatiba ni City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. ay nakipag-ugnayan ang lungsod sa American Association of the Philippines (AAP) upang gabayan at tulungan ang mga Americans at Filipino-Americans o mas kilala sa tawag na Amerasians na residente ng Olongapo.

Pangunahing bibigyan ng assistance ng AAP ang mga American Registered Citizens na hindi makabalik sa kanilang bansa bunga ng kahirapan, karamdaman o problemang legal at detalyadong aalamin ang kalagayan ng mga Amerikanong naka-base ngayon sa lungsod.

Maging ang mga anak na naghahangad na makita o magkaroon ng komunikasyon sa kanilang mga magulang na American Citizen ay bibigyang pagkakataon na makilala at mabigyan ng mga benipisyong nababatay sa batas.

At ang asawang iniwan o naputol ang ugnayan sa kanyang American Citizen husband or wife ay maaaring maging daan ang isasagawang outreach program upang magampanan nito ang kanyang naiwang responsibilidad sa bansa.

Sa pangunguna ni Mayor Bong Gordon at mga kinatawan ng AAP ay libreng tutugunan ang mga suliraning ihahain sa ika-25 ng Nobyembre 2006, simula alas-9 ng umaga hanggang ika-5 ng hapon sa FMA Hall, 2nd Floor ng City Hall at mahalagang dalhin ang mga sumusunod na dokumento:

I. Para sa mga American Registered Citizen
• American Passport
• Identification (ID) card with photo

II. Para sa mga anak ng isang American Citizen
• Consular report of birth abroad/birth certificate
• Identification (ID) card with photo
• Photos with the American father
• Letters of the parents
• Barangay Certificate
• Latest photo (whole body or 2x2)
• Other documents that would established relationship with the American father

III. Para sa mga asawa ng isang American Citizen
• Marriage Contract
• Letters and photos (with the husband or wife)
• Latest photo (whole body or 2x2 picture)

Para sa karagdagang impormasyon maaaring makipag-ugnayan sa City Social Welfare and Development Office (CSWDO) sa 2nd Floor, City Hall Annex at hanapin si CSWDO Head Gene Eclarino o tumawag sa 222-2206/222-3301 local 4303.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012