MAKABULUHANG LINGGO NG KABATAAN SA ‘GAPO
Isang linggong aarangkada ang mga kabataan ng lungsod sa selebrayon ng ‘’Linggo ng Kabataan’’ nitong ika-9 hanggang ika-17 ng Disyembre 2006 sa FMA Hall sa City Hall.
Binuksan ang pagdiriwang sa pamamagitan ng orientation/seminar na may kaugnayan sa ‘’Local Government Code & Election of City Boy & Girl Officials’’ bilang opening salvo ng Olongapo City SK Federation.
Dito ay naging panauhin ng mahigit limampung (50) kabatang opisyales si City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. na nagbigay ng inspirasyon sa pamamagitan ng mensaheng, ‘’Naniniwala pa rin ako na ang kabataan ang pag-asa ng bayan, tunay kayong yaman ng Olongapo. Make Olongapo City truly proud of you.’’
Ang selebrasyon na batay sa Republic Act (RA) 7160 o mas kilala bilang Local Gov’t Code of 1991 ay may mandatong ipagdiwang ang ‘’Linggo ng Kabataan o Youth Week’’ tuwing ikalawang linggo ng Disyembre ng bawat taon sa bawat lalawigan, siyudad, munisipalidad at barangay na pangungunahan ng Pederasyon ng mga Sangguniang Kabataan.
Para sa taong ito ang selebrasyon na may temang ‘’Kilos Kabataan, Tungo sa Katuparan ng Pangarap ng Bayan’’ ay tugma sa ibat-ibang aktibidad ng mga kabataan sa pangunguna ni Olongapo SK President Robine Rose Buenafe kaagapay ang SK officials ng bawat barangay.
Samantala, nitong ika-11 ng Disyembre 2006 ay isang Oath-Taking Ceremonies ang isinakatuparan kasabay ng turnover para sa mga bagong City Boy & Girl Officials. Matapos ito ay isang livelihood seminar ukol sa paggawa ng perfume at dish washing liquid ang isinagawa bilang pagmumulat sa mga kabataan sa larangan ng self-employment na pangunahing isinusulong ni Mayor Gordon.
Ipapakita rin ng mga kabataan ang kanilang social concern sa pamamagitan ng rice and groceries distribution sa komunidad ng mga katutubong Aetas sa Block 27, Tralala sa Gordon Heights samantalang tutungo rin ang mga SK Officials sa City Council Session upang aktwal na tunghayan ang isinasagawang lingguhang sesyon ng konseho sa ika-13 ng Disyembre 2006.
Mahalaga sa mga kabataan ang kapaligiran kaya magsasagawa rin ng Clean-up Drive sa ika- 14 ng Disyembre 2006 sa parke ng Marikit, ‘’Ito ang napili naming venue ng Clean-up Drive dahil ito ang paboritong pasyalan ng mga kabataan at venue ng pagsasanay sa pagkanta at pagsayaw o kaya’y bonding sa kapwa kabataan,’’ wika ni SK President Buenafe.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home