88 PANG WELDERS, IPAPADALA SA KOREA
MULI na namang napatunayan ang galing ng Olongapeño sa larangan ng welding nang mapili ang walumpu’t walong (88) taga-lungsod na magtungo sa Korea sa darating na Pebrero.
Pinili ng Hanjin Shipbuilding ang 88 Olongapeño na magtungo sa Korea sa ika-9 ng Pebrero 2007 upang mas maging bihasang welders.
Sasagutin lahat ng Hanjin ang flight expenses pati na rin ang pangangailangan sa pagkain, tirahan at allowance ng mga on-the-job trainees (OJT’s) habang nag-aaral sa Korea. Ipapadala naman ng naturang kompanya sa mga pamilya ng OJT’s ang kalahati ng kanilang allowance/salary.
Ang 88 welders na ito ay ipinadala ng lungsod sa Hanjin matapos makompleto ang pagsasanay o training na libreng ibinibigay ng city government.
“Natutuwa ako sapagkat malaki ang tiwala at paghanga ng Hanjin sa mga manggagawang Olongapeño. Ito’y dahil nakita ng mga Koreano ang kasanayan at kakayahan ng mga taga-lungsod,â€wika ni Mayor Bong Gordon. “Kaya naman patuloy pa nating isusulong ang free welding training upang mas marami pa nating kababayan ang magkaroon ng magandang hanap-buhay,â€dagdag pa ni Mayor Gordon.
Matatandaan na nasa 187 na ang mga Olongapeñong naipadala ng Hanjin sa Korea upang magsanay sa welding noong nakaraang taon.
Samantala, sa mga gustong mapabilang sa “Free Welding Training,†magtungo lamang sa opisina ni Kagawad Edwin Piano sa ikatlong palapag ng Olongapo City Hall (Annex) upang magparehistro.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home