Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Thursday, June 28, 2007

‘’ONE-DAY MOBILE PASSPORTING MARAMI ANG NAKINABANG’’

Maraming mga residente ng Olongapo at karatig-bayan na Zambales, Bataan at Pampanga ang nakinabang sa mga isinagawang Mobile Passporting ng Pamahalaang Lokal ng Olongapo.

Sa pangunguna ni City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. at sa kaniyang programang ‘’One-day Mobile Passporting’’ ay mahigit walonglibo (8,000) na ang nagkaroon ng pasaporte sa loob lamang ng isang taon (1 year) simula nang isinagawa ito noong ika-4 at 18 ng Pebrero at Oktubre ng 2006.

Naisakatuparan ang magandang proyekto sa pakikipag-ugnayan ng City Government sa Department of Foreign Affairs (DFA) kung saan mahigit tatlumpong (30) kinatawan nito ang tumutungo sa lungsod upang isagawa ang isang araw na pagpapa-saporte

Sinisimulan ang proseso sa pamamagitan ng pagtanggap ng application form ng mga nakapilang aplikante na susundan ng pagribisa ng mga dokumento kasunod ang processing nito.

Makalipas ang ilang oras ay isasagawa na ang releasing o distribution ng passport para sa mga kwalipikadong aplikante samantalang ang mga dis-approved applicants ay inaabisuhan na isa-ayos ang mga kinakailangan pang kakulangan na dokumento.

‘’Naiintindihan ko na marami ang nais tumungo sa ibayong-dagat upang magtrabaho at ang passport ang isa sa pangunahing requirements dito,’’ wika ni Mayor Bong Gordon.

‘’Kaya hindi na kinakailangan pang tumungo ang mga aplikante sa Pasay City o Clark dahil dinala na natin sa Olongapo ang Department of Foreign Affairs at malaking tipid ito sa gastusin, panahon at pagod,’’ dagdag pa ni Mayor Gordon.

Marami ang nakapansin sa maayos at sistematikong paraan na ipinatutupad na nagbunga sa mabilis na proseso ng mga pasaporte kaya naman tuwing magkakaroon ng isang araw (1 day) na passporting ay dinudumog ito.

Maging ang mga DFA officials ay nagpahayag na kung ihahalintulad sa ibang lugar na kanilang tinungo upang magsagawa ng passporting ay malayong mas maayos at mabilis ang proseso sa Olongapo.

Dahil sa matagumpay na programa, ngayon pa lamang ay pinag-aaralan na nang City Government ang muling pagsasagawa ng ‘’One-day Mobile Passporting’’ para sa taong 2007 upang higit pang marami ang makinabang dito.

Pao/rem

Labels: , , ,

1 Comments:

  • klan po kya uli magkaron ng mobile passporting,lalo n po d2 sa IBA zambales,,please post po

    By Anonymous Anonymous, at 2/16/2011 2:42 PM  

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012