Mahigit 400 'hot cars' posibleng isubasta na lamang-- Apostol
IPINAGTANGGOL ng Palasyo ng Malacañang ang desisyon ng Pangulong Arroyo na sirain na lamang ang ilang smuggled luxury vehicles.
Sa report ng dzRH, sinabi ni Presidential Legal Counsel Sergio Apostol na hindi labag sa batas ang gagawing pagwasak sa tinatayang 18 smuggled vehicles mamaya.
Base aniya sa Tariff and Customs Code ay maituturing na kontrabando ang mga ipinuslit na kagamitan kaya’t maaaring sirain ang mga ito.
Nilinaw naman ni Apostol na bukas ang Pangulo sa rekomendasyon na isubasta na lamang ang mga ipinuslit na sasakyan.
Nabatid na may mahigit 400 “hot cars” pa ang nasa Subic na posibleng isubasta na lamang.
Kaugnay nito, inirekomenda ng Gawad Kalinga na kung isusubasta ang mga smuggled vehicle ay magkaroon sana ng kinatawan doon ang simbahan at non-government organizations upang personal na makita kung maayos bang isinasagawa ang auction.

Labels: customs, hot cars, smuggling, Subic Freeport, vehicles
0 Comments:
Post a Comment
<< Home