Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Thursday, August 16, 2007

KULONG AT MULTA SA CABLE TAMPERING

Ipinasa na kamakailan ng Sangguniang Panlungsod ng Olongapo ang ordinansa na kakastigo sa mga di-otorisadong indibidwal at kumpanya na mapapatunayang gumagawa ng illegal na service connections ng telepono, internet at cable tv.

Pagmumultahin ng dalawang libong piso (P2,000.00) o pagkabilanggo ng tatlumpong (30) araw ang sinumang mahuhuli sa unang pagkakataon na gumagawa ng mga illegal na koneksyon, samantalang tatlong libong piso (P3,000.00) naman o apatnapu’t limang (45) araw na pagkabilanggo ang ipapataw sa mga mahuhuli sa pangalawang pagkakataon at limang libong pisong (P5,000.00) multa o animnapung (60) araw na pagkabilanggo para sa mahuhuli sa pangatlong pagkakataon.

Tinukoy din sa ordinansa ang mga violations kaugnay ng unauthorized tampering ng mga telecommunication lines, particular dito ang: (1) intensyunal na pagkakabit ng di-otorisadong koneksyon sa mga existing lines ng CATV, internet at telepono; (2) di-otorisadong pag-extend ng telecommunication lines ng mga subscribers; (3) pag-install ng mga putol na linya; (4) paggamit ngmga company-supplied materials ng mga telecommunication companies sa illegal na pamamaraan; at (5) pagmo-modify ng mga kagamitan mula sa mga nabanggit na service providers.

Samantala, ang mga kumpanya naman na naghahatid ng mga telecommunication services na may mamamataan na nagta-tamper ng illegal na koneksyon ay maaaring makipag-ugnayan sa mga barangay officials ng lugar upang magsagawa ng imbestigasyon.

Ang ordinansang ito ay epektibo na sa kasalukuyan mula pa sa pagkakapasa nito sa Sanggunian noong Pebrero 2007.


PAO/jpb


Labels: , , , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012