2007 ALAY-LAKAD ACTIVITIES, KASADO NA!
Inilatag na nang Alay-Lakad Foundation, Inc. Executive Committee 2007 ang mga detalye ng ibat-ibang aktibidad upang makakalap ng pondong magagamit sa mga socio-economic projects partikular na ang pagbibigay ng scholarship sa mga kabataang out-of-school-youth ng Olongapo.
Sa pulong na pinangunahan ni Alay-Lakad 2007 Execom Chairman Assistant Governor Gerardo Bada ng Rotary Club of Downtown Olongapo nitong ika-16 ng Agosto 2007 sa Session Hall ng Sangguniang Panlungsod ay pinagtuunan ng pansin ang annual ‘’Alay-Lakad Walk for a Cause’’.
Ang pinaka-malaki at sabay-sabay na paglakad na nakatakdang ganapin sa ika-30 ng Oktubre 2007 ay lalahukan ng mula sa iba’t-ibang sektor ng lipunan tulad ng mga kawani ng National and Local Government, SBMA personnel, kapulisan, mga guro at estudyante, barangay officials, at iba pang NGOs at civic organizations.
Bilang karagdagang proyekto upang makalikom ng pondo ay magsasagawa rin ng isang ‘’Bingo Social Game’’ ang foundation sa ika-30 ng Setyembre 2007, ala-1 ng hapon sa Olongapo City
Convention Center (OCCC) kung saan ang mga winning cards ay tatanggap ng P2,000.00, P2,500.00, P4,000.00 at P 25,000.00 naman ang papalaring sisigaw ng ‘’block-out’’ sa final game.
Magsisimula na rin ang distribution ng tickets at stickers bilang additional source of funds para sa mga proyekto ng foundation.
Sa tulong ng Alay-Lakad ay marami nang kabataan sa Olongapo ang natupad ang pangarap bunga ng patuloy na educational assistance sa mga hirap bagamat may talinong kabataan na makapag-patuloy ng kanilang pag-aaral.
Pao/rem

Labels: Alay-Lakad 2007, educational assistance
0 Comments:
Post a Comment
<< Home