Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Wednesday, August 15, 2007

DMO IPAPADALA SA SINGAPORE

Labing apat (14) na miyembro ng Disaster Management Office (DMO) ang ipadadala ng Pamahalaang Panlungsod ng Olongapo sa Chang Hai Village, Singapore para sa gaganaping Asian Regional Disaster Simulation Exercise (ARDEX).

Upang lalong mapaigting ang kalidad ng kakayanan ng mga miyembro ng DMO, ang mga piling kasapi ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) at Olongapo City Fire Rescue Team (OCFRT) ay lalahok sa nasabing Disaster Simulation Exercise sa Singapore nitong darating na Oktubre 2007.

Kaugnay nito, buong pagmamalaki ipinakilala ni City Mayor James “Bong” Gordon, Jr. sa Flag Raising Ceremony sa Rizal Triangle Multi-Purpose Center ang mga kinatawan ng DMO na dadalo sa nasabing simulation exercise.

“Sa pamamagitan ng simulation exercise na ito ay mas mapag-iibayo natin ang awareness ng ating Rescue Team lalo sa panahong kakailanganin natin sila”, pahayag ni Mayor Gordon sa harap ng mga city officials at employees.

Sinabi pa ni Mayor Bong Gordon na ang hakbang na ito nang City Government ay bahagi pa rin ng mga panlipunang programa ng lungsod upang mas mapangalagaan at masiguro ang kaligtasan ng mga mamamayan ng Olongapo.

Gaganapin ang Asian Regional Disaster Simulation Exercise sa Oktubre 22–24, 2007.


Binigyang komendasyon ni Mayor Bong Gordon ang bumubuo ng Disaster Management Office (DMO) para sa maagap na pagtugon sa mga na-apektuhang residente ng Olongapo sa nakaraang bagyong Dodong. Kabilang rin sa mga binigyang komendasyon ni Mayor Gordon ay ang tanggapan ng PUD, CSWDO, City Health, PNP, Office of Traffic Management.

PAO/jpb

Labels: , , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012