Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Tuesday, August 14, 2007

OLONGAPO CITY POLICE OFFICE TUMANGGAP NG DALAWANG AWARD

Muli na namang nagbunga ang hindi mapantayang serbisyo ng mga opisyales at kawani ng Olongapo City Police Office (OCPO) sa pagpapanatili ng Peace & Order sa lungsod nang muling hirangin ang kagawaran bilang ‘’Best Police Community Relations Section of the Year’’ at ‘’Best Police Community Relations Branch (CPO Category)’’ para sa taong 2006-2007.

Ang pagkilala ay ipinagmalaki ni City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. sa mga opisyales at kawani ng pamahalaang lokal ng lungsod sa Flag Raising Ceremony nitong ika-6 ng Agosto 2007 sa Rizal Triangle Multi-Purpose Center.

Napili ng PNP Region-3 ang OCPO sa kompetisyong nilahukan ng ibat-ibang Police Stations sa Central Luzon kaalinsabay sa culminating ceremony ng 12th Police Community Relations Month Celebration sa Camp Crame sa San Fernado, Pampanga.

Naging batayan sa pagpili ang mga nagawa ng OCPO kaugnay sa patuloy na pagpapatupad sa mga programa ng Police Community Relations na nagbunga upang higit na mailapit ang kagawaran sa mamamayan.

Pinangunahan ni PNP Police Director Oscar C. Calderon ang pagpili sa Police Community Relations Section of the Year samantalang si PNP Regional Director Ismael Rafanan naman ang nanguna sa pagpili sa Best PCR Branch na parehong pumabor sa Police Office ng Olongapo.

Matatandaan na tinanghal ang OCPO noon lamang buwan ng Pebrero 2007 bilang ‘’City Police Office of the Year’’ na ibinigay rin ng PNP Region-3 at ng National Police Commission (NAPOLCOM).


Pao/rem










Labels: , , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012