Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Tuesday, August 14, 2007

OLONGAPO POLICE, KINILALA ANG GALING!

Ipinagmalaki ni City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. sa mga opisyales at kawani ng Pamahalaang Lokal ng Olongapo sa isinagawang Flag Raising Ceremony sa Rizal Triangle Multi-Purpose Center ang kagalingan, katapatan at dedikasyon ng isang kawani ng Olongapo City Police Office (OCPO).

‘’The City of Olongapo is truly proud of you,’’ buong pagmamalaking wika ni Mayor Bong Gordon kay SPO4 Regino L. Dato na kamakailan lamang ay hinirang bilang ‘’Best Senior PCR PNCO of the Year’’ ng Philippine National Police (PNP) Region-3 para sa taong 2006-2007.

‘’Gawin nating inspirasyon si SPO4 Dato at naniniwala ako na marami pang katulad niya sa City Government na talaga namang tunay na public servant,’’ dagdag pa ni Mayor Gordon.

Ang pagkilalala kay SPO4 Dato ay batay sa masusing pag-aaral na isinagawa ng PNP at National Police Commission (NAPOLCOM) kung saan naging batayan ng kagawaran ang mataas na kalidad nang pagpapa-tupad ng mga alituntunin, proyekto at aktibidad ng PNP sa komunidad.

Dahil dito ay naitaas ng kahanga-hangang pulis ang imahe at kredibilidad ng PNP at nailapit ang kagawaran ng pulisya sa puso ng mamamayan at naging inspirasyon hindi lamang sa hanay ng Olongapo City Police kundi maging sa kabuuan ng PNP sa buong bansa.

Matatandaan na ilang ulit nang naging pambato ng lungsod si SPO4 Dato sa mga regional at national competitions at ilan lamang sa kanyang mga naiuwing titulo ay ang ‘’Best PNCO in the Region’’ at ‘’Best PNCO Nationwide’’ noong taong 2005.

Una nang tinanggap ni SPO4 Dato ang plake kasabay sa culmination ceremony ng 12th Police Community Relations Month sa Camp Olivas sa San Fernando, Pampanga nitong ika-30 ng Hulyo 2007.


Pao/rem









Labels: , , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012