FLOOD CONTROL EXPERTS , MULING BUMISITA SA ‘GAPO
Muling bumisita sa Olongapo City ang mga eksperto sa Land Use and Watershed Management na sina Stan Taylor, Coordinator ng Source Protection Planning at Michael Cooke, Senior Planner ng Building and Development mula sa Windsor, Ontario, Canada upang ipagpatuloy ang kanilang mga pag-aaral patungkol sa flood control sa lungsod, nitong ika-6 hangang ika-17 ng Agosto 2007.
Kaugnay ng mga naunang pagbisita at masusing pag-aaral nina Taylor at Cooke ukol sa Land Use and Flood Control sa lungsod at pagpapatuloy ng kanilang proyektong “Capacity Building Partnership on Land Use and Watershed’’ ay muli nilang siniyasat ang mga lugar sa Olongapo na palagiang apektado ng pagbabaha.
Sa pag-aaral ng mga technical experts, ipinunto nila na ang karaniwang dahilan ng pagbabaha sa lungsod ay ang kombinasyon ng bagyo, hightide, at pag-apaw ng ilog ng Sta. Rita at Kalaklan.
Dahil sa flood prone areas na maituturing ang Sta. Rita at Pag-asa, nagsagawa rin ng pagsisiyasat ukol sa riverbank stabilization sa mga ilog na nabanggit na lugar upang makontrol ang flood flows.
Ayon sa mga eksperto, kinakailangan ng dredging machine na huhukay sa mga lupang bumababa mula sa mga bundok patungong ilog na nagiging sanhi ng pagbabaha sa lungsod. Umaabot sa 70 milyong piso ang halaga ng naturang makina kung kaya’t bilang bahagi ng proyekto ay magkakaroon ng mga suhestiyon sa kung papaano makakalikom ng sapat na budget para dito.
Samantala, inilatag din ang mga pagbabago sa draft ordinance ng Olongapo kaugnay ng flood plain regulations kaalinsabay ng higit pang pag-aaral hinggil sa binabalangkas na encroachment ordinance ng lungsod hinggil sa mga planong inilalahad ng proyekto.
Nagkaroon din ng proposal ukol sa paglulunsad ng “telephone brigade” upang dagliang mai-coordinate sa mga kinauukulan ang mga lugar na apektado ng baha.
Bilang bahagi pa rin ng pagsasakatuparan ng misyon ng pinagtambal na pwersa ng Olongapo sa pamumuno ni Mayor “Bong” Gordon at mga technical experts ng Canada, patuloy ang koordinasyon at komunikasyon ng Olongapo City government at Windsor, Ontario, Canada sa pamamagitan ng e-mail at telepono.
PAO/jpb

Labels: Flood Control, Land Use, Watershed Management
0 Comments:
Post a Comment
<< Home