RESOLUTION UKOL SA UNIFIED LAND INFORMATION SYSTEM, APROBADO NA!
Nilagdaan na ni Olongapo City Mayor Bong Gordon ang Resolution No. 89 Series of 2007 na kinapapalooban ng pag-aaproba sa Unified Land Information System (ULIS) Project Design Document (PDD), sa pondo ng Pamahalaang Lokal para sa proyekto at maging ang pag-iindorso para sa final approval ng Innovation Support Fund (ISP) sa naturang project design document na ipinasa naman ng Sangguniang Panlungsod sa ‘’regular session’’ na isinagawa nito noong ika-1 ng Agosto.
Nauna sa pagpapatibay ng resolusyong ito ay hinirang ang Lungsod ng Olongapo bilang ‘’pioneer Local Government Unit (LGU)’’ ng ISP at bahagi nito ang pagbabalangkas sa ULIS1 na makapagbibigay naman ng improvement sa serbisyong hatid ng Land Administration Management (LAM).
Layon rin ng ULIS ang paggamit ng ‘’unified digital LAM information system’’ upang buhayin muli ang mass land titling program, paigtingin ang ‘’tenure security,’’ bawasan ang panahon at salaping magugugol sa mga transaksyon ng LAM, dagdagan ang ‘’revenue’’ at bumuo ng isang ‘’land mapping and information system’’ para sa buong Lungsod ng Olongapo; ito ay maisasakatuparan sa pagtutulong tulungan ng City Registry of Deeds, City Environment and Natural Resources (CENRO), Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO), Department of Environment and Natural Resources (DENR) Regional Office, Olongapo City Government at iba pang mga may kinalaman dito.
Ang nasabing proyekto ay nagkakahalaga ng P24.75M; P10.75M ay magmumula sa Australian Agency for International Development (AusAID) sa pamamagitan ng ISF; samantala, P14M naman ang manggagaling sa City Government, P7M sa taong 2007 at P7M sa taong 2008.
Pao/jms

Labels: Mayor Bong Gordon, Nilagdaan, ULIS
0 Comments:
Post a Comment
<< Home