Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Tuesday, August 21, 2007

PDS PROGRAMS NG UNFPA, ILULUNSAD SA 'GAPO

Bilang resulta ng 2004 Asian Urban Conference of Kobe (AUICK) na dinaluhan ni Mayor James “Bong” Gordon, Jr., napili ang Olongapo City bilang pilot area na paglulunsaran ng Population and Development Strategies (PDS) ng United Nations Fund for Population Activities (UNFPA).

Kaugnay nito, pakikinabangan ng husto ng tatlong pilot barangays ng lungsod kabilang ang Brgy. Sta.Rita, Brgy. Barretto at Brgy. New Cabalan, sampu ng mga Peoples’ Organizations, Ethnic Groups, at mga Local Government Units and Institutions ang PDS Program na maghahandog ng mga proyektong panlipunan sa Olongapo.

Kabilang sa mga aktibidad at serbisyong hatid ng PDS Program na may temang “Integrating Population and Demographic Dimensions in Development Initiatives” ay Research Services, Advocacy Activities at Capacity Building Projects para sa mga local planners, managers, at policy makers ng lungsod.

Nakapaloob sa Research Services ng PDS Program ang pagsasagawa ng demographic surveys and studies at pagpapakilala ng data banking system and management sa mga barangay sa pamamagitan ng mga training at seminar.

Samantala, suportado din ng PDS ang mga barangay para sa kanilang mga “advocacies” gayundin ang paglulunsad ng mga proyekto ukol sa Millennium Development Goals (MDG) at Gender Issues ng mga local planners at policy makers ng Olongapo.

Pinamumunuan naman ni Mayor Bong Gordon ang paglulunsad ng mga proyektong nakapaloob sa PDS Program sa pakikibahagi nina Arch. Tony Kar Balde III ng CPDO, Virginia Navarro ng City Population Office, Dr. Arnildo Tamayo ng City Health Office, at ng PDS Task Force kabilang ang LCDO, CHO, CPO, CSWDO, DILG, DepEd, LCRO, NSO-Zambales at Daughters of Mary Immaculate.

Ang PDS Program ay bahagi ng major components ng 6th Country Program sa Pilipinas ng UNFPA, kung saan isinusulong pa rin ang mga “advocacy objectives” ng UN.

Nilalayon naman ng 6th Country Program ng UNFPA ang pagtataas ng estado ng kalusugan ng mga Pilipino sa pamamagitan ng maayos na population management at sustainable human development.


PAO/jpb

Labels: ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012