‘ACCOMPLISHMENTS’ NG GAPO INILATAG NI MAYOR GORDON SA AUICK
Ipinagmalaki ni Olongapo City Mayor ‘”Bong’’ Gordon ang mga parangal na natatanggap at galing ng mamamayang Olongapeño at ng Pamahalaang Lungsod ng Olongapo sa isinagawang “monitoring and consultation meeting’’ ng Asian Urban Information Center of Kobe (AUICK) at United Nations Fund for Population Activities (UNFPA) kasama ang mga opisyales ng lungsod nitong ika-13 ng Setyembre sa FMA Hall ng City Hall.
Taas noong inisa-isa ni Mayor Gordon ang mga pagkilala na ipinagkaloob sa Lungsod ng Olongapo tulad ng pagiging “national awardee” nito sa larangan ng “disaster management’’ kung kaya’t napili upang katawanin ang buong Pilipinas sa Asian Regional Disaster Simulation Exercise na gaganapin sa Singapore sa buwan ng Oktubre.
Ipinagmalaki rin ni Mayor Gordon ang mga “trainings,’’ “programs,’’ at “projects’’ na ipinapatupad ng “city government’’ kaugnay sa “solid waste management,’’ “population control,’’ at maging sa “livelihood.’’
Magugunita na animnapu’t walo (68) na ang nailunsad na “local products’’ sa ilalim ng pamunuan ni Mayor Gordon at sa tulong ng “grants’’ mula sa UNFPA. Gayundin, pitong (7) “women’s organizations’’ na ang naorganisa sa pamamagitan ng “capital assistance’’ mula pa rin sa UNFPA.
Upang lalong paigtingin ang kampanya ng Olongapo City Government patungkol sa populasyon, kalikasan at sosyo-ekonomiko ay ipinagbigay alam ni AUICK President Dr. Hirofumi Ando na maaari itong magpalathala ng mga kasulatan at artikulo sa “newsletter’’ ng AUICK. Ang nasabing pribilehiyo ay bahagi ng pagiging kasapi ng lungsod sa siyam (9) na “associate cities’’ ng AUICK.
Pinangunahan nina AUICK President Dr. Ando, AUICK Executive Director Manabu Shinya, AUICK Deputy Executive Director Nobuyuki Morimoto, UNFPA Country Representative Suneeta Mukherjee, UNFPA Program Officer Miriam Ciscar-Blat at UNFPA City Coordinator Bel Dado ang delegasyon na nagtungo sa lungsod upang makipagpulong kay Olongapo City Mayor Gordon at sa iba pang mga opisyales ng lungsod.
Ang AUICK ay isang “international cooperation nongovernmental organization’’ na naka-base sa Kobe City, Japan at itinatag noong 1989 sa superbisyon ng UNFPA. Nilalayon ng AUICK na bumuo ng malawakang “information and human networks’’ kasama ang mga lungsod na katamtaman ang laki upang maging katuwang sa pagresolba ng “population and urban problems.’’ Ito ay may siyam (9) na “associate cities” kabilang na ang Chittagong sa Bangladesh, Weihai sa China, Chennai sa India, Surabaya sa Indonesia, Kuantan sa Malaysia, Faisalabad sa Pakistan, Khon Kaen sa Thailand, Danang sa Vietnam at ang Olongapo sa Pilipinas.

Si Mayor James “Bong” Gordon (pang-apat mula sa kaliwa) kasama sina AUICK President Dr. Hirofumi Ando (kanan ni Mayor Gordon), UNFPA Country Representative Suneeta Mukherjee (kaliwa ni Mayor Gordon), AUICK Deputy Executive Director Nobuyuki Morimoto (una sa kaliwa), AUICK Executive Director Manabu Shinya (pangalawa sa kaliwa) at UNFPA Program Officer Miriam Ciscar-Blat (una sa kanan) sa kanilang “monitoring and consultation meeting’’ sa FMA Hall ng City Hall nitong ika-13 ng Setyembre 2007.
Pao/jms
Labels: AUICK, Ipinagmalaki, Mayor ‘”Bong’’ Gordon, monitoring and consultation meeting’’
0 Comments:
Post a Comment
<< Home