CITY COUNCIL RESOLUTION PARA SA MAS MALINIS NA OLONGAPO
Sa bisa ng Resolution No. 122 (series of 2007) na may titulong ‘’A Resolution Encouraging All Sectors, Public and Private, Academic Institutions, Non-Government Organizations (NGO’s), Professional Organizations, Police Force and All Barangays to Participate in the Citywide Clean-up on September 22, 2007 in Line with the Celebration of World Tourism Day 2007’’ ay muling magbubuklod ang mga residente ng Olongapo.
Sa mosyon ni Kagawad Gina Gulanes-Perez, ang chairman ng Committee on Tourism, Parks and Playgrounds at Committee on Task Force Tourism ay sama-samang inaprubahan ng Sangguniang Panlungsod ang resolusyon na magpapatupad sa ‘’Citywide Clean-up’’ bilang isa sa mga aktibidad ng Olongapo sa selebrasyon ng World Tourism Day.
Upang higit na matutukan ang mga lugar na nangangailangan ng paglilinis, ang mga participants ay hahatiin sa dalawang (2) malaking grupo, ang Group A na maglilinis sa Pag-asa River, Kalaklan River at Banicain River samantalang ang Group B naman ang tututok sa mga pangunahing lansangan ng Ramon Magsaysay Drive, Gordon Avenue at Rizal Avenue.
Matatandaan na sa inisyatiba ni City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. ay magkatuwang na nagsasagawa ng ‘’Joint Regular Clean-up Drive’’ na sinimulan noon pang taong 2004 hanggang sa kasalukuyan ang Olongapo at ang Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) bilang tugon sa problema sa basura sa mga ilog ng lungsod.
Sa katunayan ay umabot na sa siyam (9) na Joint River Clean-ups ang pinagsamahan ng Olongapo at SBMA kasama pa ang ibat-ibang sektor tulad ng sa education, business, NGO’s at barangay, ‘’Lahat tayo ay may responsibilidad sa ating kapaligiran kaya marapat lamang na tayo ay maging bahagi ng paglilinis at implementor ng kalinisan sa ating lungsod,’’ wika ni Mayor Bong Gordon.
Pao/rem

0 Comments:
Post a Comment
<< Home