Bonggo at VGov, panauhin sa MCPS Gala Night
Naging panauhing pandangal sina Olongapo City Mayor Bong Gordon at Zambales Vice Governor Anne Marie Gordon sa ginanap na Maria Clara de Pilipinas Sorority (MCPS) Gala Night sa San Diego, California nitong ika-2 ng Setyembre.
Kaunay ng 39th Awards Night ng MCPS na kumikilala sa mga Pilipinong naging matagumpay sa ibang bansa, dinaluhan nina Mayor Bong Gordon at Vice Gov. Anne Gordon ang gabi ng parangal na isinagawa nito kamakailan.
Walong (8) Pinay, pitong (7) Pilipinong kasapi ng media at apat (4) na professionals ang pinarangalan ng sorority habang sampu (10) pang individuals kasama ang retired Superior Court Judge Lilian Lim ang itinanghal na “Living Legacy Stars 2007”.
Ilang Pinoy din ang pinarangalan ng samahan dahil sa kanilang mga achievements tulad nina National City Councilman Fidelis Ungab at San Diego Police Captain Cesar Solis.
Samantala, ang walong kababaihan na itinanghal bilang “Ladies of Elegance” dahil sa
kanilang professionalism at high moral values ay sina Ellen Nobes-Sexion para sa business, Vina Phelps para sa community service, Frances Lebron para sa education, Lydia Loristo para sa government service, Nenita Smith para sa international affairs, Marilou Hibanada para sa judicial services, Lcdr. Cynthia French, MC, USN para sa military services, at Cdr. Violeta Fedora, MC, USN nursing services.
Kinilala naman bilang “Living Legacy Stars 2007 sina Cdr. Maria Balolong, USN; Arsenia at Fred Bulacan; Ana Maria Cabato; Puring at Delfin Labao; Noida at Domingo del Rosario; Judge Lilian Lim; Marilyn Mesina; Atty. Myrna Pascual; at Councilman Fidelis Ungab.
Ang pitong pinarangalan naman sa media ay sina Maria Arcega Dunn ng Fox6 News, Romeo Marquez ng Philippine Village Voice, Abelardo Mojica ng Philippine Mabuhay News, Susan de los Santos ng Filipino Press, Simeon Silverio ng Asian Journal, Burl Stiff ng San Diego Union-Tribune at Barbara Yorobe ng Philippine Asian Report.

Si Mayor Bong Gordon (pangatlo sa kaliwa) at Vice Governor Anne Marie Gordon bilang mga panauhing pandangal sa 39th Anniversary ng Maria Clara de Pilipinas Sorority sa San Diego, California.
PAO/jpb
Labels: Gala Night sa San Diego California, ika-2 ng Setyembre., Mayor Bong Gordon, MCPS, panauhing pandangal, Vice Governor Anne Marie Gordon
0 Comments:
Post a Comment
<< Home