Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Thursday, September 13, 2007

Sen. Gordon nanguna sa ‘fruits of hope’ project

Pinangunahan ni Senator Richard “Dick” Gordon na Chairman din ng Philippine National Red Cross (PNRC) ang isang pro-farmer project na tinawag niyang “fruits of hope” para sa mga magsasaka ng Sulu nitong ika-10 ng Setyembre.

Sa halip na ammunitions o mga bala at bomba ang karga pabalik ng Maynila ang misyon ng military C-130 cargo plane ng Philippine Airforce, bumalik ito sa lungsod karga ang mga prutas na ani ng mga magsasaka ng Sulu na dating kilalang kuta ng mga terorista.

Tinawag ni Sen. Dick Gordon na “fruits of hope’’ ang iba’t ibang prutas na inihatid ng C-130 sa mga pamilihan sa Maynila. Aniya, ang kikitain mula dito ay gagamitin upang makapagsimula ng isang kooperatiba para sa mga magsasaka sa Sulu at mga karatig na probinsya nito tulad ng Basilan at Cotabato.

Dumating sa Villamor Airbase ang C-130 dala ang naturang “fruits of hope” at agaran namang pinakyaw ng mga kinatawan ng SM Supermarket ang bulto-bultong mga prutas na mabibili sa mababang halaga.

Nagkakahalaga lamang ng sampung piso (P10) ang bulto na mangosteen, samantalang labinlimang piso (P15) hanggang dalawampung piso (P20) lamang ang durian. Tatlumpong piso (P30) lamang naman ang isang bag na lanzones na higit na mababa ang presyo kumpara sa mga prutas na ibinebenta sa ibang pamilihan.

Ang ideya na gamitin ang military cargo plane upang magdala ng mga prutas sa Maynila ay nabuo matapos ang bakbakan sa pagitan ng mga marines at rebelde sa Sulu. Nakipagkoordinasyon ang PNRC sa pamumuno ni Senator Gordon sa Philippine Air Force upang humingi ng magamit ang C-130 sa pagdadala ng mga prutas ng mga magsasaka ng Sulu sa Maynila sa halip na bumalik lamang ito sa lungsod ng walang laman.

Sinabi pa ni Sen. Gordon na ilalaan din sa iba pang proyekto ang kikitain mula sa “fruits of hope” project bukod sa pasisimulang kooperatiba ng Sulu farmers. Aniya, popondohan din ang isa pang proyektong magtuturo naman sa mga taga-Sulu na magpalago ng mga seaweeds at gumawa ng iba pang marine products upang pagkakitaan.

“When the farmers are regularly earning income, they would no longer be tempted to join the rebels and would mind their farms where a regular source of income could be had”, paliwanag ni Sen. Gordon.


PAO/jpb

Labels: , , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012