Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Thursday, September 13, 2007

Bonggo, planong magpatayo ng overpass

Inilahad ni Mayor James “Bong” Gordon, Jr. ang kanyang planong magpagawa ng mga overpass sa mga lansangan ng Olongapo City sa ginanap na Defensive Driving Seminar para sa public utility vehicle drivers ng lungsod nitong ika-12 ng Setyembre 2007 sa FMA Hall ng Olongapo City Hall.

Sa pakikipagtulungan ng Office of the Traffic Management and Public Safety (OTMPS), ginanap ang regular na seminar na naglalayong masiguro na nagtataglay ng kaalaman ukol sa ligtas at propesyunal na pamamaraan ng pagmamaneho ang mga drivers ng mga pampublikong sasakyan sa Olongapo.

Dinaluhan ng humigit kumulang sandaang (100) jeepney at tricycle drivers at mga kinatawan mula sa OTMPS ang naturang seminar kung saan tinalakay ang mga batas trapiko na kinakailangan ng mahigpit na pagpapatupad ng mga otoridad at pagsunod ng mga tsuper at pedestrians upang maiwasan ang pagbigat ng daloy ng trapiko sa lungsod. Sa seminar ay ipinahayag din ni Mayor Bong Gordon ang kanyang planong pagpapagawa ng mga overpass sa ilang lugar sa lungsod.

Ayon kay Mayor Gordon, dahil sa dumaraming bilang ng mga pribado at pampublikong sasakyan sa Olongapo na nagdudulot ng pagsisikip ng daloy trapiko ay pinaplano ng City Government na magpatayo ng mga overpass sa tapat ng Olongapo City Elementary School, Olongapo City Public Market, Ulo ng Apo (Rotonda), Olongapo City National High School, Wesley Methodist School at Olongapo City Mall. Aniya, dahil din sa nalalapit na pagbubukas ng Subic-Clark Expressway na posibleng magdulot ng higit na maraming sasakyan sa lansangan, makatutulong din ang mga overpass na ito upang mapagaan ang daloy ng trapiko sa lungsod at masiguro ang kaligtasan ng publiko lalo ng mga pedestrians.

Samantala, nanawagan din si Mayor Gordon sa mga drivers na makipagtulungan sa OTMPS sa pamamagitan ng pagsunod sa mga batas-trapiko upang maging maayos ang daloy ng trapiko sa lungsod.

“Hindi lumalaki ang ating mga kalsada, kaya kailangan ng kooperasyon ng mga drivers at traffic enforcers”, saad ni Mayor Gordon.



PAO/jpb


Labels: , , , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012