Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Monday, September 03, 2007

Pagbalasa inaasahan?

By Ric Sapnu - SunStar
Dateline: Olivas

ANG pagbalasa sa mga provincial at city police director sa pitong lalawigan ng Gitnang Luzon ay inaasahan sa pag-upo ng bagong police director ng Police Regional Office (PRO) 3.

Ito ang nakalap na information ng Intelligence Officer (IO) ng Dateline, sa mga nakausap nitong mga police officer kung saan inaasahan na umano ang pagbalasa.

Matandaan noong Miyerkules, isang turnover of command ang ginanap sa Multi-Purpose Hall sa loob ng Camp Olivas at si dating chief ng Traffic Management Group (TMG) na si Chief Superintendent Errol T. Pan ang masuwerteng nakakuha sa puwestong iniwanan ni Chief Superintendent Ismael R. Rafanan.

At dahil bago ang PRO3 director, ayon sa IO, may malaking posibilidad na magkaroon ng pagbalasa sa hanay ng mga provincial at city police director.

Natural lamang siyempre, ayon sa IO, na iyong mga bata ni Pan ang ipapasok niya o iuupo sa kanyang area of jurisdiction. Sabi pa nga ng mga police officer, kapag bago ang PRO3 director, SOP o standard operational procedure ang ganitong sistema.

May dalang mga bata siyempre ang bagong RD na puwede nitong pagkakatiwalaan at subok na sa kanilang trabaho na maari nitong ipalit sa mga tatamaan sa pagbalasa, ayon pa sa mga police officer.

Sana naman, ayon sa mga police officer, bigyan muna ng bagong RD ang mga nakaupong mga police director ng pagkakataon at pagbasihan ang kanilang mga "accomplishment" bago sila i-relieve.

Hindi pa umuupo si Pan, naging matunog na ang balasahan sa hanay ng mga senior police staff officer sa RPO3.

Ayon sa IO, posibleng sa susunod na linggo na ang malawakang balasahan sa mga staff police officer sa PRO3 headquarters.

Ang mga papalitan at malilipat sa ibang department ay kinabibilangan nina Senior Superintendent Alfredo Caballes, dating deputy regional director for operation, na nalipat bilang deputy regional director for administration.

Si dating Chief Directorial Staff, Senior Superintendent Gil Meneses, ay malilipat bilang deputy regional director for operation. Ang inaasahan na papalit sa puwesto ni Meneses ay si Olongapo City police director, Senior Superintendent Gil Pacia. Mahigit din sa isang taon ang naging "tour of duty" ni Pacia sa Olongapo City.

Si Senior Superintendent Oscar Albayalde, chief ng Regional Intelligence Division (RID) ay matunog na malilipat sa tanggapan ng Regional Police Community Relations Office (RPCRO), samantalang ang RPCRO na si Senior Superintendent Danilo Bautista ay matatalaga umano sa Regional Operations Plans Division (ROPD).

Si Senior Superintendent Abelardo Villacorta, chief ng ROPD, ay masuwerteng matatalang bilang bagong City Police Director ng Olongapo City at siya ang papalit sa puwesto ni Pacia. Sa wakas sir, sa tagal ng panahon mabibigyan din kayo ng "break." Congratulations sir Villacorta.

Si Senior Superintendent Gordon Dezcanso, chief ng Headquarters Supports Group (HSG), ay sasama umano kay Chief Superintendent Perfecto Palad, bagong TMG director na nakabase sa Camp Crame.

Ang papalit kay Dezcanso ay si Senior Superintendent Antonio dela Cruz. Si dela Cruz ay natalaga na rin dito sa Logistics Division.

Inaasahan pa rin ang pagbalasa sa mga sususnod na araw o buwan depende sa bagong upong PRO3 director, Chief Superintendent Pan.

Labels: , , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012