Smuggling sa Subic, sinu-sino ang dapat managot?
By: Vic Reyes - Journal online
TINGNAN NATIN
MUKHANG lumalala ang bangayan ng mga opisyal ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) na sina SBMA Administrator Armand Arreza at Retired Gen. Jose Calimlim dahil sa talamak na ismagling ng langis sa Port of Subic.
Maging si Rep. Monico Fuentebella ay nanawagan na kay Gng. Gloria Arroyo na mamagitan na sa alitan ng dalawa dahil hindi daw ito maganda para sa gobyerno.
Kaya naman nagtatanong tuloy ang taumabayan kung sino ang dapat sisihin sa malawakang ismagling daw ng langis sa nasabing lugar.
Ayon kasi kay Arreza, nawawalan daw ng halos P2.2 milyon ang gobyerno araw-araw. Sinabi pa Arreza na aabutin ng P470 milyon ang nawala sa kaban ng bayan sa loob lamang ng pitong buwan.
Tama kaya ang figures ni Administrator Arreza?
Nakalusot nga kaya kay Calimlim, pinuno ngayon ng anti-smuggling sa SBMA at siya ring hepe ng Task Force Adwana, noong panahon ni Pangulong Joseph Estrada?
Bilang hepe ng Task Force Adwana, buong Pilipinas noon ang sakop ni Gen. Calimlim, nagtagumpay naman siyang kontrolin ang ismagling.
Kaya naman marami ang ‘di makapaniwalang nakakalusot ang mga nag-iismagel ng langis sa Port of Subic. Napakaliit na lugar nito kumpara noon na buong Pilipinas ang kanyang hawak.
Pero paano naman ang mga opisyal ng Bureau of Customs sa naturang lugar? Hindi ba nila nakikita ang mga katiwaliang nangyayari sa kanilang nasasakupan?
Marami tuloy ang nakakapuna na mula nang mahirang na district collector ng Port of Subic si Tita Zamoranos ay lumala daw ang ismagling sa naturang Puerto. At hindi lang langis ang naipupuslit doon. Ayon na rin sa balita, sa Port of Subic din ang bagsakan ng mga mamahaling sasakyan.
Ang totoo nga ay ilang luxury vehicles ang pinasira ng mga otoridad para hindi daw mabalik sa mga taong nag-ismagel ng mga ito.
Marami nga sa ating mga kababayan ang hindi sang-ayon sa ginawang ’yun ng gobyerno.
Dahil sa dami ng nagugutom sa ating bansa, dapat daw sana ay ibinenta na lang ng gobyerno ang mga naturang sasakyan at itinulong sa mahihirap nating kababayan ang napagbentahan.
Ang masakit pa nito, si Undersecretary Antonio “Bebot” Villar Jr. pa ang nakahuli sa mga kontrabandong ito. Kaya nga nasabi tuloy ni Villar, hepe ng Presidential Anti-Smuggling Group (PASG), na may kasabwat na mga kawani ng BoC ang mga ismagler.
Masakit pakinggan, pero walang magawa si Villar kung hindi pagdudahan ang mga taga-BOC dahil sa mga nahuhuling kargamento na ’di binabayaran ng buwis.
Tulad ng sinabi natin sa mga nakaraan nating kolum, hindi natin sinasabi na may kinalaman si Collector Pacasum sa mga nangyayaring katiwalian sa Port of Subic. Pero dapat niyang pangalagaan ng husto ang kanyang nasasakupan.
Marami kasing nagsasabing baka napapalusutan lang si Pacasum ng kanyang mga tauhan.
Kaya ang dapat ngayong gawin ni Pacasum ay bantayang maige ang mga kargamentong dumaraan sa kanilang Puerto, para masigurong matigil na ang talamak na ismagling sa POS.
Dapat ring madaliin ng Malakanyang ang kanilang imbestigasyon kung sinu-sino talaga ang mga dapat managot sa lumalalang ismagling sa Subic.
Kung sabagay, hangga’t hindi tumitigil sina Arreza at Calimlim sa bangayan, siguradong hindi magtatagal ay malalaman na kung sinu-sino ang mga dapat sibakin sa puwesto.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home