Teambuilding ng Sanggunian at VMayor’s Staff
Nagsagawa ng tatlong araw ng Teambuilding Seminar Workshop ang staff at miyembro ng Sangguniang Panlungsod ng Olongapo at Vice Mayor’s Office sa Los Baňos, Laguna nitong ika-24 hanggang 26 ng Agosto 2007.
Sa layuning mas mapaigting ang pisikal, cultural, intelektuwal at moral na paglago ng mga kabahagi ng City Council at tanggapan ng ikalawang punong lungsod, tatlong araw ang inilaan sa naturang teambuilding seminar.
Nagkaroon ng iba’t ibang aktibidad sa seminar mula una hanggang ikatlong araw. Courtesy call sa Calamba City Hall ang unang tinungo ng mga participants pagdating sa Laguna saka bumisita sa Rizal Shrine at University of the Philippines-Los Baňos (UPLB) Campus.
Inilaan naman sa simultaneous technical sessions at team bonding ang ikalawang araw habang wrap-up meeting ang kanilang pinagkaabalahan sa huling araw.
Naging mabunga ang kinalabasan ng teambuilding seminar workshop para sa mga nakilahok dahil na rin sa itinuturing na “healthy break” ito para sa staff bukod pa sa pagkakataong maihanda at ma-develop ang mga potensyal ng bawat team member bilang indibidwal at bilang “public servants” ng Olongapo City.

Si Olongapo City Vice Mayor Cynthia Cajudo (gitna) kasama ang mga City Councilors at ang mga kawani ng Vice Mayor’s Office at Sangguniang Panlungsod sa isinagawang Team Building Seminar/Workshop ng mga ito sa La Roca, Los Baños, Laguna noong ika-24-26 ng Agosto, 2007.
PAO/jpb
Labels: Laguna Sangguniang Panlungsod, Los Baňos, Teambuilding Seminar Workshop, Vice Mayor’s Office
0 Comments:
Post a Comment
<< Home