KAPAKANAN NG INMATES ISA SA PRAYORIDAD NG LUNGSOD
Sa pangunguna nina City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. at Zambales Vice-Gov. at Olongapo First Lady Anne Marie Gordon ay isinagawa ang Blessing and Turn-over Ceremony ng dalawang (2) bagong selda ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Matapos ang blessing ay isang programa ang ginanap kung saan sumentro ang mensahe ni Mayor Bong Gordon sa tatlong (3) punto. Una ay ang higit pang pinalakas na Judicial System ng Olongapo sa pamamagitan ng pagkakatalaga ng bagong City Prosecutor sa katauhan ni Atty. Emilie Fe M. De Los Santos.
Maging ang mga posisyon ng hukom na dati ay tangan lamang ng mga Acting Judges ay nilagyan na nang mga Permanent Judges. ‘’Mahalaga na maging mabilis ang takbo ng kaso kaya naman kinukulit ko pa si DOJ Sec. Raul Gonzales na bigyan tayo ng karagdagan pang judges sa Regional Trial Court (RTC),’’ wika ni Mayor Gordon.
Pangalawang pinunto ng punong-lungsod ay ang planong paglilipat ng BJMP sa mas malawak na lugar upang sa gayo’y higit na maraming bilang ng selda ang maitayo at maiwasan ang pagsisiksikan ng mga inmates.
‘’Bagamat kamakailan lamang ay nagsagawa na ang City Government ng pagpipintura sa loob at labas ng mga selda ay atin pa ring tututukan ang mga imediate concern tulad ng pagsasa-ayos ng bubong,’’ dagdag pa ni Mayor Gordon.
Pagbibigay ng Livelihood Assistance ang ikatlong pinunto ni Mayor Gordon, dito ay maglalaan ng financial assistance ang lokal na pamahalaan upang matustusan ang mga ginagawang ‘’handicrafts’’ ng mga inmates.
Inatasan rin ni Mayor Gordon ang Livelihood Cooperative Development Office (LCDO) na makipag-ugnayan sa BJMP upang magsagawa ng mga hakbang upang kumita ang mga inmates sa mga ginagawang souvenir materials.
Patuloy rin na nagsasagawa ang City Health Office (CHO) ng mga Medical at Dental Mission sa BJMP upang mapangalagaan ang kalusugan ng mga inmates.
Ang Blessing and Turn-over na ginanap nitong ika-10 ng Octubre 2007 ay sinaksihan rin nina Vice-Mayor Cynthia Cajudo, Kgd. Rodel Cerezo, Kgd. Gie Baloy, Elmo Aquino, ABC President at Barreto Brgy. Capt. Carito Baloy at ilan pang opisyales ng Barangay.
Pao/rem

Labels: 2 bagong selda, BJMP, Blessing, Turn-over Ceremony
0 Comments:
Post a Comment
<< Home