Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Thursday, December 06, 2007

Iwas-Paputok, Kampanya ng City Gov’t.

Muling nangangampanya ang Lungsod ng Olongapo sa pangunguna ni Mayor Bong Gordon para sa mapayapa at “iwas-paputok” na pagdiriwang ng kapaskuhan at pagsalubong sa bagong taon.

Kaugnay nito ay mariing ipinaaalala ng lungsod sa mamamayang Olongapeño ang pagbabawal sa paggamit ng malalakas na paputok upang maiwasan ang pinsalang maaaring idulot nito.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Mayor Gordon na hindi kinakailangan ang paggamit ng mga paputok para ipagdiwang ang kapaskuhan. Aniya, ang pagbabawal sa paggamit ng mga delikadong fire crackers ay upang masigurong walang Olongapeñong mapapahamak dahil sa mga ito.

Samantala, magpapakalat na rin ng mga Anti-Firecracker campaign posters and tarpaulins ang city government upang laging mapaalalahanan ang publiko.

Ang mga lugar na partikular na pagkakabitan ng mga Anti-Firecracker campaign materials ay ang City Hall, City Mall, City Public Market, James L. Gordon Avenue Market and Mall, East Bajac-Bajac Bridge Railings, Rizal Triangle Multi-Purpose Covered Court, James L. Gordon Memorial Hospital, Kalaklan Area, Barangay Mabayuan, Brgy. Barretto, Barangay Sta. Rita, Barangay New Cabalan at maging sa mga pampublikong paaralan.

Ang pagbabawal sa paggamit ng mga delikadong paputok ay sang-ayon sa City Ordinance No. 55 (Series of 1996) na nag-amyenda sa Section 4 ng City Ordinance No. 5 (Series of 1959) o Prohibition on the firing, explosion or discharge of firecrackers.

PAO/jpb



Labels: ,

1 Comments:

  • Why dont we have fireworks display instead, sponsored by every barangay so everybody can enjoy. Kung isa lang ang venue ng display ay hindi makakapunta ang karamihan, so dapat bawat barangay ay may fireworks display. They can solicit funds for this or pag ipunana na. and dapat may contest din para sa pinakamagandang display para may kumpetisyun.

    By Anonymous Anonymous, at 12/11/2007 11:37 PM  

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012