OCPO AT VRC, MAGKATUWANG SA PEACE AND ORDER MAINTENANCE
Sinaksihan ni Olongapo City Mayor James “Bong” Gordon, Jr. ang pirmahan ng Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Olongapo City Police Office (OCPO) at Virgen delos Remedios College (VRC) na isinagawa nitong ika-14 ng Enero 2008 sa Rizal Triangle Multi-Purpose Covered Court.
Isinapormal nina OCPO Chief PSSupt. Abelardo Villacorta at VRC President Anthony dela Peña sa harap ni Mayor Gordon ang kanilang kasunduan kaugnay sa tie-up ng dalawang (2) institusyon. Sa naturang kasunduan ay binibigyang oportunidad ang mga mag-aaral ng VRC na makapagsanay sa ilalim ng superbisyon ng mga kawani ng OCPO.
Naniniwala si Mayor Gordon na magdudulot ng magandang epekto ang nasabing kasunduan sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa lungsod. “This agreement between Olongapo City Police Office and Virgen delos Remedios College is essential to the maintenance of peace and order in our city,” pahayag ni Mayor Gordon.
Ayon pa kay Mayor Gordon, “It’s good that as early as possible our future policemen and women will personally experience the complex tasks of law enforcers including being deployed in the field.”

Labels: Mayor Bong Gordon, moa, OCPO, VRC
0 Comments:
Post a Comment
<< Home