MALALIM NA IMBESTIGASYON INIATAS NI MAYOR BONG
Ipinag-utos ni Mayor James “Bong” Gordon, Jr. sa Olongapo City Police Office sa pamumuno ni PSSupt. Abelardo Villacorta ang malalim at mabilisang imbestigasyon kaugnay sa insidente ng pagpatay sa modelong si Scarlet Garcia at tatlong (3) iba pa kamakailan.
Upang matunton ang puno’t dulo ng pangyayari at agad na makilala ang dapat na managot sa naganap na krimen, inatasan ni Mayor Bong Gordon ang kapulisan ng lungsod na magsagawa ng higit na malalim na imbestigasyon patungkol dito.
“Hindi pangkaraniwang pangyayari ito sa Olongapo. Ngayon lamang nangyari ito. And we have to go deeper sa ating mga imbestigasyon,” pahayag ni Mayor Gordon.
Natuklasan ang labi ng mga biktima matapos silipin ng fire rescue team ang loob ng apartment unit sa 52-B Acacia St., Gordon Heights na unang ini-report na nasusunog. Natagpuang patay sa nagmistulang ni-ransak na kabahayan sina Garcia, Jorge Vitug Castor, Rachel Estacio at Ban Mark Bandejas a.k.a. Wacky.
Agad na rumesponde ang kapulisan kasama si Mayor Gordon at Col. Villacorta samantalang agaran ding dumating ang grupo ng Scene of the Crime Operatives (SOCO).
Kabilang pa sa mga natagpuan sa lugar na pinangyarihan ng krimen ang limang (5) empty shells at tatlong (3) slug ng .45 calibre pistol, isang empty shell at isang slug ng 9mm, dalawang electrical cords, isang lighter at isang butane gas canister.

Si Mayor James “Bong” Gordon, Jr. habang nagpapahayag ng pakikiramay sa mga magulang at kaanak ng mga biktima. PAO
http://subicbaynews.blogspot.com/2008/03/fhm-model-three-others-killed-in.html
http://subicbaynews.blogspot.com/2008/03/cops-find-indications-of-sexual.html
http://subicbaynews.blogspot.com/2008/03/cops-eye-scorned-love-behind-olongapo.html
http://subicbaynews.blogspot.com/2008/03/cops-form-task-force-scarlet.html
http://www.youtube.com/v/jeX2EcHzMlQ&hl
http://subicbaynews.blogspot.com/2008/03/updates-on-scarlet-garcias-murder.html
Labels: fhm, gordon heights, massacre, Olongapo City, scarlet
0 Comments:
Post a Comment
<< Home