OLONGAPO AT SBFZ: VENUE NG PHILIPPINE OLYMPIC FESTIVAL
Muling nagpulong ang mga opisyales at kinatawan ng Lungsod ng Olongapo, Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) at Philippine Olympic Committee (POC) kaugnay sa gaganaping 3rd Philippine Olympic Festival Central Northern Luzon Qualifying Games.
Magkatuwang ang lungsod at Freeport sa pagho-host ng isa sa pinaka-malaking sports event sa bansa na nakatakdang isagawa sa ika-2 hanggang 6 ng Abril 2008 bagamat sa ika-31 ng Marso at ika-1 ng Abril pa lamang ay magsisimula na rin ang ilang laro.
Dalawampung (20) events ang hatid ng Philippine Olympic Festival na libreng matutunghayan ng mga sport fans ng lungsod at ng mga inaasahang pagdagsa ng mga turistang buhat pa sa ibat-ibang panig ng bansa.
Matatandaan na kamakailan lamang ay nilagdaan nina City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. at SBMA Administrator Armand C. Arreza at Philippine Olympic Festival Chairman Robert Aventajado ang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagdaraos ng naturang athletic event.
Kabilang sa mga events, schedules at venues ng laro ay ang mga sumusunod:

Sa pagsisimula ng Philippine Olympic Festival ay pansamantalang manunuluyan ang mahigit isanglibot-walong walong daang (1,800) officers, coaches at athletes sa Olongapo City National High School (OCNHS), Olongapo City Elementary School (OCES), Tapinac Elementary School at Nellie E. Brown Elementary School.
Lalahukan ng labinglimang (15) delegasyon ang sports festival kabilang na ang anim (6) probinsiya at siyam (9) na siyudad sa Central at Norhern Luzon kabilang na ang Bulacan, Baguio City, Angeles City, Pampanga, Nueva Ecija at Olongapo City.
Ang mga magwawagi sa Central Northern Luzon Qualifying Games ang magiging kinatawan ng lugar sa Misamis Oriental para sa National Championships sa ika-20-26 ng Oktubre 2008.
Magkakaroon rin ng qualifying games sa Lanao del Norte para sa Mindanao Qualifying Games sa ika-21-25 ng Mayo 2008, Manila para sa NCR Qualifying Games sa ika-25-29 ng HunHunyo 2008, Negros Oriental para sa Visayas Qualifying Games sa ika-23-27 ng Hulyo 2008, sa Trace College sa Laguna para sa Bicol-Southern Tagalog Qualifying Games sa ika-10-14 ng Setyembre 2008. Pao/rem

Labels: arreza, mayor gordon, olongapo, Philippine Olympic Festival, sbma
0 Comments:
Post a Comment
<< Home