Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Thursday, April 24, 2008

DESILTING SA MGA ILOG PAKINABANG NG LAHAT

Patuloy ang mga isinasagawang dredging sa ‘bunganga’ ng Kalaklan River gamit ang dredging machine samantalang tuloy-tuloy pa rin ang desilting sa Sta Rita River.

Ang paghuhukay sa mga pangunahing ilog sa lungsod ay kaugnay sa atas ni City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. sa Department of Public Works and Highway (DPWH) na linisin ang mga ito upang maagapan ang pag-apaw ng tubig sa lungsod na sanhi ng pagbabaha sa panahon ng tag-ulan.

Ang desilting ang ginagawang katugunan ng City Government upang maiwasan ang pag-babaw ng mga ilog bunga na rin ng pagbaba ng lupa buhat sa mga bundok at para maiwasan ang pagbabaha. Ginagamit ang dredging machine para sa regular na desilting partikular sa mga bahagi ng Sta. Rita River, Mabayuan River, Cabalan River, East Bajac-Bajac Channel, Drainage Channel, Kalaklan River, lalo na sa bukana nito sa Subic Bay.

Matatandaan na kamakailan ay bumisita at nagsagawa ng pag-aaral sa lungsod ang mga eksperto sa Land Use and Watershed Management na sina Stan Taylor, Coordinator ng Source Protection Planning at Michael Cooke, Senior Planner ng Building and Development mula sa Windsor, Ontario, Canada.

Sa pag-aaral ng mga technical experts, ipinunto nila na ang karaniwang dahilan ng pagbabaha sa lungsod ay ang kombinasyon ng bagyo, high tide, at pag-apaw ng ilog ng Sta. Rita at Kalaklan.

Dahil sa flood prone areas na maituturing ang Sta. Rita at Pag-asa, nagsagawa rin ng pagsisiyasat ukol sa riverbank stabilization sa mga ilog na nabanggit na lugar upang makontrol ang flood flows. Sa suwestyon ng mga eksperto, kinakailangan ng matinding paghuhukay ng mga lupang bumababa mula sa mga bundok patungong ilog na nagiging sanhi ng pagbabaha sa lungsod.

Sa tuloy-tuloy na desilting ay malaking tulong ito upang maagapan ang pagbaha sa lungsod sa panahon nang tag- ulan.

Nasa larawan ang on-going dredging sa Kalaklan River na proyekto ni Mayor Bong Gordon.Pao/rem

Labels: , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012