EARTH DAY SA ‘GAPO
Ginunita ng Lungsod ng Olongapo ang Earth Day nitong ika-22 ng Abril na may temang “Ang Tubig ay Buhay: Ating Pagyamanin at Linisin.”
Sa pangunguna ni Mayor James “Bong” Gordon, Jr. ay nakibahagi ang Olongapo City sa pandaigdigang selebrasyon ng Earth Day.
“Our city is known as one of the cleanest and greenest city in the Philippines. We should maintain being one”, wika ni Mayor Gordon.
Magugunitang isa sa mga prayoridad ni Mayor Gordon ay ang pangangalaga sa kalikasan na nakapagbigay ng mga pagkilala sa lungsod tulad ng Presidential Awards for Cleanest and Greenest LGU (Local Government Unit), GALING POOK Award, KALINISAN AWARD OF EXCELLENCE at marami pang iba.
Isa sa mga best practices sa lungsod na hinahangaan ng maraming local na pamahalaan ay ang Solid Waste Management System at Integrated Garbage Collection System nito kung saan regular na kumokolekta ng basura ang mga sanitary engineers sa paraang pinaghihiwa-hiwalay ang mga nabubulok sa hindi nabubulok alinsunod na rin sa Republic Act 9003. Kabilang pa dito ang 3R (Reduce, Reuse, Recycle) + Composting program na isinusulong ng city government tungo sa maganda at malinis na kapaligiran.
Gayundin, patuloy ang Green Go project ng city government sa pangunguna ni Mayor Gordon kung saan ay hinihikayat ang bawat Olongapeño na sumuporta at makilahok sa tree-planting activities nito. PAO/jms

0 Comments:
Post a Comment
<< Home