DALAWANG SUSPEK SA PANANAKSAK, ARESTADO!
Dalawang suspek sa pananaksak sa isang 23-años na lalaki ang natiklo kamakailan ng Olongapo City Police Office sa Old Cabalan.
Ang biktima na si Mark Mirania ay dead on arrival sa Afable Medical Hospital matapos pagsasaksakin ng mga suspek na nakilalang sina Joel Pederio, at Mark Langcop na kapwa 26 taong gulang at nakatira sa Lumberg Lane, Forestry, Old Cabalan, Olongapo City.
Napag-alaman na ang biktima ay napagtripan ng dalawang suspek habang naka-inom at dumadaan sa bahay ng kaibigan ng biktima. Matapos mamataan ang biktima ay inantay ito ng dalawang suspek na makalabas ng naturang bahay bago pinagsasaksak.
Agad na rumesponde sina SPO2 Joseph Felicitas at PO1 Rodelio Dela Torre ng Police Station 4, sa pangunguna ni Police Senior Inspector Orlando Reyes, kasama na rin ang BPSO ng Old Cabaln.
Kaagad na nahuli si Mark Langcop at habang iniimbestigahan ang naturang suspek ay napansin na may bahid pa ito ng dugo sa kanang kamay.
Kinabukasan naman ay nakatanggap ng tawag ang Police Station 4 mula kay Lorenzo Ambe, tiyuhin ng isa pang suspek, at sinabi na ipapaaresto ang kanyang pamangkin matapos aminin ng suspek na isa siya sa sumaksak sa biktima. Kaagad namang naaresto ang suspek na kasalukuyang nakapiit matapos masampahan na ng kaukulang kaso.
Ang pagkakadakip kay Pederio at Langcop ay patunay sa mataas na crime solution efficiency rating ng Olongapo sa ilalim ng administrasyon ni Mayor James ‘Bong’ Gordon Jr.

Si P/Insp Orlando Reyes, Commander ng Police Station 4 kasama ang dalawang suspek sa pagpatay kay Mark Mirania na sina Joel Artita (naka green na t-shirt) at si Mark Delcano (naka-blue na t-shirt). Naganap ang insidente nitong ika-20 ng Setyembre 2008 sa Old Cabalan, Olongapo City Ang mga suspek ay lango sa alak at kinursunada lamang ang biktima na dead on arrival (DOA) sa ospital sa lalim ng tinamong mga saksak sa katawan
PAO/Don
0 Comments:
Post a Comment
<< Home