Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Tuesday, March 03, 2009

349 NA BOTIKA NATIN OUTLETS NABUKSAN NA SA BUONG ZAMBALES AT OLONGAPO

Botolan, Zambales. Tatlo na namang botika natin sa nayon outlets ang binuksan sa bayang ito ngayong araw ng Lunes, ika-2 ng Marso 2009, ni dating bise gobernador ng Zambales Ramon G. Lacbain II.

Sunod-sunod na binuksan ang mga dalawang botika natin sa barangay Paco at isa pa sa barangay San Miguel. Kaya sa araw na ito ay umabot na ng 349 ang lahat ng mga nabuksang botika natin outlets sa buong Zambales at Olongapo City.

Ang botika natin sa nayon ay isang proyekto ng Zambales War Against Poverty Foundation Inc. na layuning dalhin ang mga pangunahing mga gamot sa mga malalayong sitio, purok at mga barangay sa pinakamurang halaga.

Ang mga botika natin outlets ay nagbibigay ng serbisyo ng dalawampu’t-apat na oras araw-araw. Ang mga ito ay pinapamahalaan ng isang team na binubuo ng sampung miyembro o kaya ay indibidwal mula sa iba’t-ibang barangay.

Bawat botika natin outlet ay binibigyan ng Zambales War Against Poverty Foundation Inc. ng halagang P3,000.00 mga gamot na kanilang ibenebenta sa kanilang barangay o lugar sa itinakdang halaga. Halimbawa ng presyo ng ilan sa mga gamot na mabibili sa botika natin ay paracetamol tablet (500mg) – P.50, amoxicillin capsule (500mg) – P2.75, carboceistine syrup (100mg/60ml) – P19.50, mefenamic acid capsule (500mg) – P1.25, at marami pang iba.

“Nang inilunsad ko ang proyektong ito noong ika-25 ng Agosto 2005 ay pinangarap ko na makapagbukas ng 200 botika natin outlets sa buong Zambales at ng ito ay aming nagawa ay dinoble ko ang aking pangarap na makapagbukas naman ng 400. Natutuwa ako na makalipas ang mahigit sa tatlong taon ay nakapagbukas na kami ng 349 hindi lamang sa Zambales kundi kasama na rin pati ang Olongapo City”, sabi ni Lacbain na siyang nagtatag ng proyektong ito.

Una ring sumuporta sa proyektong ito sina Senador Francis ‘Kiko’ Pangilinan at Senador Edgardo J. Angara kasama na ang Department of Social Welfare and Development at Department of Health.

Ang 349 ng botika natin outlets ay nasa pag-gabay ng anim ng licensed pharmacist na siya ring nagpapatakbo ng anim na mga botika natin distribution centers na makikita sa mga bayan ng Subic, San Felipe, Iba, Masinloc at Sta. Cruz at maging sa lungsod ng Olongapo.

Ang anim na botika natin distribution centers ay mga lisensyado ng Department of Health – Bureau of Food and Drugs bilang mga drugstores. Accredited din ang mga centers na ito bilang mga botika ng bayan outlets ng Philippine International Trading Corporation (PITC) Pharma.

Kasalukuyan ding nakikipag-ugnayan si Lacbain bilang executive director ng Zambales War Against Poverty Foundation Inc. kay Dr. Rolando P. Bautista ng PITC-Pharma para gawing mga botika ng bayan (bnb) express ang lahat ng mga botika natin outlets sa buong Zambales at Olongapo City.

Labels: , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012