Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Monday, June 07, 2010

Reminders from Mayor James “Bong” Gordon Jr.

Mayor Gordon has reminded all city government offices, including the local police to make the necessary arrangements and take precautionary measures in connection with the school opening and the coming rainy season.

“Nagbukas na naman ang eskwelahan, dagsa na naman ang mga bata sa lansangan kaya’t dapat na lalong maging masipag ang ating mga traffic enforcers sa pag alalay sa mga batang tumatawid sa ating mga lansangan,” paalala ni Mayor Gordon sa Office of Traffic Management and Public Safety (OTMPS). “ Isa pa ring dapat pagtuunan ng pansin ay ang paglalagay ng karagdagang safety measures sa kagagawa pa lamang na overpass walkway sa harap ng Olongapo City Elementary School (OCES) bago ito tuluyang buksan at gamitin ng ating mga mamamayan, lalo na ng mga mag-aaral, upang masigurong hindi ito pagmumulan ng mga aksidente” Mayor Gordon added.

Mayor Gordon also has ordered all Barangays and the Environmental Sanitation Management Office (ESMO) to continue their diligent effort in keeping the environment clean especially the canals, to help lessen or prevent the occurrence of flooding when the rainy season sets in. The citizens of Olongapo are also encouraged to help with this effort to keep the city clean and green. “Hangga’t maaari ay ayaw na nating maulit ang nangyaring mga pagbaha ng nakalipas na taon, kaya’t tayong lahat ay dapat maging responsable at sinupin natin ang sarili nating mga bakuran”, Mayor Gordon said in closing.

A traffic enforcer assist students cross the street at the opening of classes at Olongapo City National High School (OCNHS).

Students of the Olongapo City National High School (OCNHS) on the first day of SY 2010-2011

Labels: , , , , ,

Friday, May 21, 2010

‘Gapo, Naghahanda na sa Pagbubukas ng Klase

Siniguro ni Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. na magiging ligtas ang mga estudyante sa mga daan at paaralan kaugnay ng nalalapit na pagbubukas ng eskwela sa susunod na buwan.

Ngayon pa lamang ay inatasan ko na ang Office of Traffic Management and Public Safety (OTMPS) at Olongapo City Police Office na mas bantayan pa ang peace and order at ang City Health Office upang mas paigtingin pa ang kampanya para sa wastong nutrisyon at programa laban sa dengue sa mga paaralan, paliwanag ni Mayor Gordon.

Nag-umpisa na rin ang ESMO sa pakikipagtulungan ng mga barangay upang linisin ang mga paaralan na sya ring naging polling precints sa nakaraang eleksyon, paliwanag pa ni Gordon. Magagamit na rin ng mga mag-aaral sa Olongapo City Elementary School o OCES ang kauna-unahang overpass sa lungsod upang maging mas maging ligtas ang pagtawid ng mga bata mula sa East Bajac-Bajac patungo sa kanilang paaralan, wika pa niya.

Matatandaan na sa pamamagitan ng HELPS program ni Mayor Gordon ay maraming paaralan sa lungsod ang nabigyan ng school empowerment fund na nagbbigay ng pagkakataon na maitaas ang kalidad ng edukasyon sa mga pampublikong paaralan sa 17 barangay.

Samantala, nanawagan naman si Olongapo First Lady Anne Marie Gordon sa mga magulang ng mga mag-aaral lalo na sa mga ina ng tahanan na suportahan ang pagbubukas ng klase sa pamamagitan ng boluntaryong pagtulong sa DepEd sa paglilinis at pagsasaayos ng mga classroom sa mga paaralan ng kanilang anak.

Labels: , , ,


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012