4 US SERVICEMEN SISIPOT SA KORTE
Nerlie Ledesma, Abante
Tiniyak na ng US Embassy na haharap sa itinakdang arraignment ng Olongapo Regional Trial Court (RTC) ang apat na US servicemen na akusado sa panggagahasa sa isang 22-anyos na Zamboangena sa loob ng Subic Bay Freeport sa susunod na Biyernes.
Ito ang kinumpirma kahapon sa Abante ni Judge Renato Dilag ng Olongapo RTC Branch 73 matapos namang mag-commit ang embahada ng Estados Unidos gayundin ang mga abogado ng mga akusadong sina S/Sgt. Chad Carpentier, L/Cpl. Keith Silkwood, L/Cpl. Daniel Smith, at L/Cpl. Dominic Duplantis na darating ang mga ito sa magaganap na pagbasa ng sakdal laban sa kanila sa ganap na alas-9:00 ng umaga sa Marso 24.
Sinabi ni Dilag na inatasan din niyang dumalo sa itinakdang araw ang biktima para sa nasabing plea bargaining kung saan inaasahan na makakaharap nito ang mga sundalong Amerikano na inakusahan nitong gumahasa sa kanya noong gabi ng Nobyembre 1 sa loob ng isang Starex van na minamaneho ng pinoy na si Timoteo Soriano Jr. sa loob ng Subic Freeport.
Nabatid na nagbigay na rin ng notice of appearance ang bagong legal team ng biktima na pinangungunahan ni Atty. Evelyn Orzoa.
Kaugnay nito, bigo pa rin si Olongapo Chief Prosecutor Prudencio Jalandoni na makaharap ang Subic rape victim para personal niya itong makausap ukol sa kanilang gagawing hakbang para sa paglilitis sa nasabing kaso.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home