CANADIAN EXPERTS, TUTULONG SA CITY PLANNING NG OLONGAPO
Ang pakikipag-ugnayan ng Olongapo sa sister city nitong Windsor City, Canada partikular sa City Planning & Development ay agad nagbunga nang dumating sa lungsod ang mga Senior Planners ng nabanggit na siyudad ng Canada para tugunan ang hiling ng Olongapo.
Ang mga Canadian consultants na sina Michael Hope at Stanley Taylor ay malugod na sinalubong ni Mayor James “Bong” Gordon Jr., kasama ang mga Department Heads. Nagpasalamat si Mayor Gordon sapagkat agad ang pagtugon ng Windsor sa teknikal na suportang hiling niya dito ng personal na bumisita sa Canada si Mayor Gordon.
Isang linggong magbababad ang dalawang Canadian sa tanggapan ng City Planning kasama si Arch. Tony Kar Balde, City Planner ng Olongapo, upang mapag-aralan at makapagbigay ng suhestiyon na makatutulong sa pagsasa-ayos ng mga water ways at sewerages ng lungsod, pag-aaral sa mga method na dapat isagawa para maiwasan ang mga disbentahe ng pagiging low-land ng lungsod na nagdudulot ng pagbabaha, at iba pang aspetong makatutulong sa pagsasa-ayos ng plano ng lungsod.
Olongapo City Public Affairs Office

0 Comments:
Post a Comment
<< Home