KOOPERATIBA NG MGA KAWANI NG OLONGAPO CITY GOVERNMENT, PASULONG NA!
Aktibo at pasulong na ang takbo ng Olongapo City Government Employees’ Multi-Purpose Cooperative Inc. (OCGEMPCI).
Nagsagawa ng unang Annual General Assembly mula sa mahabang panahon na pagkakahinto ng operasyon ang kooperatiba nitong Marso 3, 2006 na ginanap sa Olongapo City Convention Center Function Room.
Panauhing pandangal ng pulong si Mayor James “Bong” Gordon Jr. Buo ang suporta ni Mayor sa magagandang balakin ng kooperatiba, partikular sa mga produktibong negosyo na nais isulong ng samahan. Aniya: “Ang konsepto ng samahang kooperatiba ang isa sa pinakamagandang sistema dahil sa pinangangalagaang mabuti nito ang interes ng mga kasapi. Kaya nga’t paalala ko na ayusin ang pangangasiwa ng OCGEMPCI na kooperatiba na sariling atin, sapagkat maraming manggagawang kasapi ang aasa sa mga benepisyo nito.”
Bukod sa malaking tulong ang loaning services nito sa mga empleyado, maaari ding makinabang sa dividendo na matatanggap ng mga kasapi lalo pa’t kung kumikita ang mga negosyong pinasok ng Kooperatiba.
Sa kasalukuyan, limang komite ang nabuo para maayos na mapalakad ang kooperatiba. Ito ay ang Business Development Committee, Election Committee, Education & Training Committee, Audit & Inventory at Finance Committee.
Hiningi ng mga bagong opisyales ng OCGEMPCI sa pangunguna ng Chairman of the Board na si Aileen Sanchez ang suporta ng mga kasapi at ang aktibong pakikipagtulungan sa mga proyekto ng samahan.
Olongapo City Public Affairs Office

0 Comments:
Post a Comment
<< Home