BAHAGI NG MGA NEGOSYANTE SA PEACE & ORDER, NILINAW
Sa huling pagtitipon ng Olongapo City Peace and Order Council, inanyayahan ni Mayor James “Bong” Gordon Jr. ang mga negosyante ng lungsod para malaman nila ang mga ginagawa ng pamahalaan at Kapulisan para sa ikasusulong ng katahimikan at kaayusan sa lungsod.
Partikular niyang pinanawagan sa lahat ng mga negosyante, tulad ng mga dumalo na sina Sammy Del Rosario, presidente ng Olongapo City Business Association at Erlinda Lim na aktibo rin sa mga NGO work, na makisangkot at makipagtulungan sa kampanya ng lokal na pamahalaan para sa Peace and Order.
“Maaari kayong makipag-ugnayan sa inyong mga barangay at magpadala ng tao bilang volunteer work at tutulong sa pagroronda ng mga tanod sa barangay. Makisangkot kayo sa pagpapanatili ng peace and order. Bigyan ninyo sana ng halaga ang Social Responsibility ninyo, sapagkat ang kaayusan ay dapat na pinagtutulungan hindi lamang ng gobyerno, kungdi ng lahat.”
Malaki ang inaasahan ni Mayor Gordon sa mga lokal na negosyante sapagkat sa kanila nakasalalay ang ekonomiya ng lungsod, lalo pa’t sila rin ang nagbibigay ng hanap-buhay. Paalala niya sa kanila: “Kung gumaganda ang takbo ng inyong negosyo, huwag ninyong kalimutang gandahan ang benepisyo ng inyong mga empleyado sapagkat makikinabang ang kani-kanilang pamilya dito. Bigyan ninyo ng pahalaga ang mga empleyado na naglilingkod para sa ikalalakas ng inyong negosyo.”
Ang involvement o pakikisangkot ng mga negosyante ay hinihikayat lalo pa’t pinagpaplanuhan ang implementasyon ng “Barangay Action Team” sa bawat barangay para sa lalo pang pagpapaigting ng kampanya sa kaayusan at katahimikan ng lungsod.
Olongapo City Public affairs Office

0 Comments:
Post a Comment
<< Home