EARLY CHILDHOOD CARE DEVELOPMENT CENTER,PINASINAYAAN
Bukas na ang ipinangakong Day Care Center ni Mayor James “Bong” Gordon Jr. sa loob mismo ng gusali ng Olongapo City Hall para sa mga government employees na may mga batang anak.
Nitong Biyernes, Marso 3, 2006, ay pinasinayaan na ang tinaguriang “Early Childhood Care Development Center” sa ikalawang palapag ng City Hall Annex Building. Ito ang ika-54 na Day Care Center na pinangangasiwaan ng Olongapo City Social Welfare Development Office (CSWDO).
Sa basbas ni Fr. Amado Censon ay magkatuwang na isinagawa nina Mayor Bong Gordon at First Lady Anne Marie Gordon ang makulay na ribbon cutting. Maging ang ilang kagawad ng lungsod, department heads, government employees, barangay officials, bank managers, businessmen at mga NGO’s ay buong suportang naki-isa rin sa pasinayang ito ng bagong center. Bilang bahagi ng programa, nagpakitang-gilas din ang mga mag-aaral ng Day Care Centers mula sa East Tapinac at Gordon Heights.
Ayon kay Mayor Gordon, “mahalaga ang formative years ng mga bata sapagkat dito sila nahuhubog, kaya’t dapat na bigyan sila ng tamang training kahit pa ang mga magulang nila ay abala sa paghahanap-buhay. Kaya’t heto ang bagong center para sa mga bata na tulong ng lokal na pamahalaan sa pangangailangang ito. Mahalaga ang mga bata, kaya nga’t uulitin ko: ‘The child we care for today will care for the nation tomorrow.’ ”
Kumpleto ang gamit ng naturang center magmula sa mga laruan, libro at craft materials, mayroon din itong television set at VCD player para sa mga educational VCDs na maaaring panoorin ng mga bata. Magkakaroon din ng Day Care Workers ang naturang center para turuan at alagaan ang mga batang tatanggap ng serbisyo nito. Ang naturang Child Development Center ay bukas para sa mga batang edad 5 taong gulang pababa.
Olongapo City Public Affairs Office
0 Comments:
Post a Comment
<< Home