Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Thursday, March 16, 2006

AUSTRALIAN AMBASSADOR,NAGPAHALAGA SA MGA MAY KAPANSANAN

Bumisita ang Australian Ambassador na si Anthony Hely sa Lungsod ng Olongapo partikular sa isang misyon – ang dalawin ang Niños Pag-asa Foundation sa Old Cabalan.

Image Hosted by ImageShack.us

Natuwa si Mayor James “Bong” Gordon Jr. sa interes ng ambassador na bigyang panahon ang pagdalaw sa mga batang may kapansanang kinakalinga ng naturang foundation. Personal niyang sinamahan ang panauhin sa pagpunta at sa programa

Ang paanyaya sa Ambassador ay mula sa isang Filipino-Australian Foundation na aktibong tumutulong sa mga institusyong katulad ng sa Niños Pag-asa. Ang mga bata dito ay karamihang bingi, pipi at bulag. Sa Niños Pag-asa, naghanda ang mga bata ng espesyal na programa para sa mga panauhin. Humanga ang ambassador sa talento at kakayahan ng mga bata habang pinanonood sila sa mga tanging bilang na pinamalas.

“Ispesyal sa akin ang araw na ito, sapagkat ito ang unang taong anibersaryo ng aking pamamalagi sa Pilipinas bilang Ambassador at nagagalak akong kayo ang kasalo ko sa selebrasyon ko,” saad ni Hely sa wikang Ingles.

Sorpresa sa lahat nang sabihin ni Hely na siya pala ay isang ‘hearing imparied’ din katulad ng mga bata. Ngunit hindi naging hadlang ang kapansanan sa kanyang pag-unlad, kaya’t nawa’y maging inspirasyon siya sa ibang mga bata, aniya.

Naging pagkakataon din ito kay Mayor Gordon na ipakilala sa Australian Ambassador ang galing at disiplina ng Olongapo.

Olongapo City Public Affairs Office

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012