Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Thursday, March 16, 2006

TAHANAN PARA SA MGA APING KABABAIHAN

Image Hosted by ImageShack.us

Isinagawa na ang inaantabayanang Inauguration & Blessing ng Center for Women nitong ika-8 ng Marso 2006. Pinangunahan nina City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. at First Lady Anne Marie Gordon ang ribbon cutting, at si Sta Rita Parist Priest Nelson Vencilao naman ang nagbasbas nito.

Nakiisa ang mga kababaihang kagawad ng lungsod at mga kababaihang buhat sa ibat-ibang NGO groups tulad ng SUGPO, SAMPOL, Senior Citizens, Balikatan at maging ang mga kababaihang kinatawan ng national at lokal agencies patina mga negosyante ng lungsod na masaya ring nakibahagi.

Ang dalawang (2) konkretong gusaling palapag na matatagpuan sa Sta Rita Village, Sta Rita ay ang magsisilbing pansamantalang tahanan o temporary shelter ng mga kababaihang biktima ng kalupitan at ng pang-aabuso.

Ang center ang kukupkop sa mga biktimang nasa ilalim ng recovery stage o dili kaya’y habang dinidinig ng husgado ang kanilang kaso. Maging ang mga kababaihang walang tahanang mauuwian ay tanggap rin dito.



Pangunahing departamentong mangangalaga sa center ay ang City Social Welfare and Development office (CSWSO) sa pamumuno ni CSWDO Head Gene Eclarino, samantalang tiniyak naman ni First Lady Anne Gordon ang kanyang pagtutok upang mamonitor ang mga kababaihan na magiging maayos ang kalagayan.

Samantala, bago ang inagurasyon ay isang malawakang parada ang ginanap simula sa Rizal Triangle Covered Court patungo sa Center for Women bitbit ang mga nakahandang makukulay na banners patungkol sa selebrasyon ng International Women’s Month.

Ang naturang parada ang naging bahagi ng kababaihan ng lungsod sa espesyal na araw na kung saan nangibabaw ang bilang ng mga ito sa bawat lansangang dinaanan ng parada sa pangunguna ni First Lady Ane Marie Gordon.

Sa ibinigay na mensahe ni Mayor Gordon, kanyang tiniyak ang proteksyon at karapatan ng mga kababaihan sa lungsod.

Olongapo City Public Affairs Office

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012