Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Thursday, August 10, 2006

Future Leader's Conference

PAGSASANAY SA PAGIGING LIDER

Nitong Agosto 4-6, 2006 ay nagsagawa ng tatlong araw na seminar-conference ang mga magagaling na kabataan ng Olongapo. Tinaguriang “Future Leaders’ Conference” ang pagtitipon ng mga kabataan na naglalayon na mahasa ang kanilang galing at mamulat sila sa pagiging lider ng lipunan.

Bago itinakda ang seminar, dumaan sa masinsin na pagpili ang mga participants na mula sa mga pinakamagagaling na estudyante ng mga pampubliko at pribadong high schools ng lungsod. Tatlumpu’t-apat (34) na kabataan ang pumasa at bumuo sa batch na ito at nabigyan ng libreng akomodasyon para sa 3-day live-in seminar na tumuloy sa SBMA Binictican Housing.

Ang youth seminar na ito ay inisyatibo ni Mayor James “Bong” Gordon Jr. na ayon sa kanya ay paraan ng pagpapahalaga sa kinabukasan ng lungsod. Aniya, “kailangang malinang natin ang leadership skills ng kabataang ‘Gapo at mabuo ang malasakit nila sa lungsod, dahil sila ang susunod na mga lider dito sa Olongapo.”

Ang Leadership Training ay pinangunahan ni Ms. Pamela Manuel, isang kabataang ‘Gapo na naging honor student ng Olongapo City Regional Science High School at nagtapos sa kolehiyo sa University of the Philippines bilang cum laude, at ngayo’y konektado sa Presidential Management Staff.

Magugunita na nitong Hunyo 2006 ay inaprubahan ng Sanggunian Panlungsod ang Ordinansa ukol sa “Youth Development Program” ng lungsod upang gawing organisado ang mga programang pangkabataan ni Mayor Gordon.

Sa huling araw ng seminar, pumunta ang delegasyon sa Olongapo City Hall para makadaupang-palad si Mayor Bong Gordon. Isang mensahe mula sa lider ng lungsod ang nakaantig sa mga kabataan, upang “maging magaling kayo sa anumang larangang tatahakin ninyo at ibalik ang pakinabang na ito sa lungsod,” paalala ni Mayor Gordon. “nandito kayo dahil sa nakita ang ‘excellence’ nyo sa eskwela, at ipagpatuloy nyo ‘yan sa lahat ng pagkakataon dahil ‘yan ang lagi kong paalala sa lahat ng Olongapeño -- “fighting for excellence”!

Naging makabuluhan ang youth camp na ito para sa mga kabataan, at hindi dito nagtatapos ang pagsasanay dahil sa inaabangan na ng mga participants ang nakatakdang Youth Ssummit na gaganapin sa susunod na buwan.
City Public Affairs Office

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012