Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Saturday, December 16, 2006

TAPATANG OLONGAPO AT ZAMBALES, MASUSUBUKAN NA!

Sasabak ang mga pambatong boksingero ng Olongapo laban sa mga dadayong boksingero ng Iba, Zambales sa isasagawang 2006 City Fiesta Invitational Amateur Boxing Tournament.

Sa 15 boxing bouts, 5 rito ay nakalaan para sa main event na paghaharapin ang team Olongapo at team Iba sa ika-27 ng Disyembre 2006, simula alas-5 ng hapon sa Rizal Triangle Covered Court.

Libreng mapapanood ng mga boxing enthusiasts ng Olongapo ang invitational fight na bahagi pa rin ng City Fiesta activity sa pangunguna ni 2006 City Fiesta Executive Committee Chairperson Anne Marie Gordon.

Dito ay matutunghayan ng mga residente ang mga ipinagmamalaking boksingero ng lungsod tulad ni Artist Martin, Jr. na ngayon ay kabilang na sa National Training Pool ng RP Team na inihahanda nang isabak sa ibat-ibang National Boxing competitions.

Samantala, sa atas ni City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. kay City Sports Coordinator Angie Layug ay patuloy ang pagdaragdag at pagsasa-ayos ng boxing equipments upang higit na maraming kabataan ang mahasa sa boksing.

Tuloy-tuloy pa rin ang mga isinasagawang pag-iikot ng Inter-barangay Boxing Tournament na tinaguriang ‘’Programang Paboksing sa Brgy. ni Mayor Bong Gordon’’ katuwang ang Olongapo City Amateur Boxing Association at Olongapo Youth & Sports Development Office.

Para sa mga nais na lumahok sa mga susunod pang boxing competitions ay maaaring makipag-ugnayan sa City Disaster Management Office (DMO) o tumawag sa 224-7846 o kaya’y sa inyong mga sariling barangay halls.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012