Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Thursday, June 28, 2007

‘’GAWAD KALASAG 2007’’

Sumasa-ilalim ngayon sa matinding ebalwasyon ang Lungsod ng Olongapo sa pamamagitan ng Disaster Management Office (DMO) para sa prestiyosong ‘’National Gawad Kalasag 2007’’.

Ang evaluating team na pinangunahan ni team leader Crispina Abat buhat sa Office of Civil Defense kasama ang hepe ng ibat-ibang departamento tulad ng National Disaster Coordinating Council (NDCC), Department of Interior and Local Government (DILG) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay dumating sa lungsod nitong ika-28 ng Hunyo 2007.

Nag-ikot ang grupo sa DMO, Bureau of Fire, Olongapo City Police Office (OCPO), mga barangay at ilan pang tanggapan na kabilang sa City Disaster Coordinating Council (CDCC) upang magsagawa ng ebalwasyon at assessment kaugnay sa Basic Disaster Management Capability nito pagdating sa disaster management and emergency situations.

Finalist sa dalawang kategorya ang lungsod, kabilang na ang Olongapo City Fire Rescue Team para sa Best Government Emergency Responders (GOERS) at ang Best City Disaster Coordinating Council (CDCC) na kung saan makakatapat nito ang mga key cities na Makati at Dagupan sa Pangasinan.

Matatandaan, na ang lungsod ay unang nagwagi bilang 2002-2003 ‘’Gawad Kalasag National Awardee’’ at sa kauna-unahang pagkakataon ay nagwagi rin ang Olongapo City Fire Rescue Team para sa kategoryang Best Government Emergency Responders (GOERS) sa parehong kompetisyon. Kung sakaling mapipili ang lungsod sa ikatlong pagkakataon ay pasok na ito sa ‘’Gawad Kalasag Hall of Fame’’.

Samantala, ma-aalala rin na sa kauna-unahang pagkakataon ay nagwagi ang kaisa-isang nominee ng lungsod na si Olongapo City Fire Rescuer Abraham T. Abiertas sa kategoryang Heroic Act Emergency Response and Rescue Operations ng ‘’Gawad Kalasag Awards 2006’’ dahil sa walang takot nitong pagsuong sa panganib upang makasalba ng buhay.

Kinatawan rin ng bansa ang Olongapo sa ASEAN Regional Disaster Emergency Response Simulation Exercise (ARDEX) kung saan kabilang ang dalawamput-isang (21) bansa tulad ng Brunei Darussalam, Cambodia, Indonesia, Lao PDR, Malaysia, Singapore, Thailand Vietnam, at iba pang miembro ng ASEAN countries.

Misyon ng ARDEX na sanayin ang mga bansang ito pagdating sa disaster management system para sa mas mabilis at sestimatikong paraan sa panahon ng sakuna.


Pao/rem

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012