Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Wednesday, July 04, 2007

GABAY LABAN SA MGA ILLEGAL RECRUITERS

BILANG BAHAGI NG PAG-IINGAT NG LUNGSOD LABAN SA MGA ILLEGAL RECRUITERS NA NAGLIPANA NGAYON SA BUONG BANSA, IPANAPAYO NI MAYOR JAMES “BONG” GORDON JR, PESO AT POEA NA SUNDIN ANG 10 GABAY LABAN SA ILLEGAL RECRUITERS:
1. Huwag mag-apply sa ahensya na hindi lisensyado ng POEA.
2. Huwag tumanggap ng alok na trabaho sa mga ahensya na walang job order.
Magtanong sa POEA o PESO.
3. Huwag makipag-ugnayan kanino man na HINDI awtorisadong empleyado ng isang
lisensyadong ahensya.
4. Huwag makipag-transaksyon sa LABAS ng rehistradong address ng ahensya.
5. Huwag magbayad ng placement fee na hihigit sa katumbas ng ISANG BUWANG SAHOD.
6. Huwag magbayad ng placement fee kung walang ibibigay na RESIBO AT KONTRATA sa
trabaho.
7. Huwag kaagad maniwala sa mga anunsyo o babasahin na nagtatagubilin na ipadala ang
inyong sagot sa P.O. Box na may kasamang pambayad sa pagpo-procss ng mga papeles.
8. Huwag makipag-ugnayan sa mga ahente ng training centers at travel agencies na nag-aalok
ng trabaho sa ibang bansa.
9. Huwag tumanggap ng tourist visa para sa pagtatatrabo sa ibang bansa.
10. Huwag makipagtransaksyon sa mga FIXERS.
Para sa mga tanong at iba pang impormasyon tungkol sa mga illegal recruiters at pagtatatrabo sa ibang bansa, maaring magsadya sa PESO sa unang palapag ng Olongapo City Hall o dumalo sa libreng Pre-Employment Seminar na isinasagawa ng POEA mula Lunes-huwebes, 9:00 at 1:30 pm sa PEOS Center, 2nd Floor Blas F. Ople Bldg ng POEA o magtext sa POEA sa 2835 o bisitahin ang kanilang website sa http://www.poea.gov.ph/ o kaya naman ay tumawag sa POEA 24-hour hotline 722-1144/722-1155.

Labels: , , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012