Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Wednesday, July 04, 2007

MGA OPISYALIS NG OLONGAPO, NANUMPA!

Nakapanumpa na sa katungkulan ang mga Elected City Officials ng Lungsod ng Olongapo nitong ika-29 ng Hunyo 2007 sa City Convention Center.

Sa harap ng mahigit isanglibong (1,000) panauhin, unang nanumpa si City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. kay Executive and Presiding Judge of Municipal Trail Court (MTC) Branch 4 Hon. Norman Pamintuan bilang officiating officer.

Saksi sa oath-taking ni Mayor Bong Gordon sina Zambales Vice-Governor at First Lady Anne Marie Gordon at unica-hija na si Amelia Jane Gordon na siyang may tangan ng biblia sa nanumpang butihing ama ng lungsod. Espesyal na panauhin rin sa makasaysayang araw si dating Assemblywoman, 2002 Pearl S. Buck Woman of the Year at inang si Amelia Gordon.

Sumunod na nanumpa sa katungkulan ay si Vice-Mayor Cynthia Cajudo kung saan tumayo si Mayor Bong Gordon bilang officiating officer kasunod ang sabay-sabay na panunumpa ng iba pang miembro ng Sangguniang Panlungsod.


Isa-isang inilahad ni Mayor Bong Gordon sa kanyang mensahe ang mga karangalang tinanggap ng Olongapo sa loob lamang ng tatlong taon (3 years) ng kaniyang administrasyon.

Partikular na ipinag-malaki ng punong-lungsod ang mga pagkilala ng ibat-ibang departamento ng National Government sa Olongapo kabilang na ang National Police Commission (NAPOLCOM) at Philippine National Police pagdating sa Peace and Order, Office of Civil Defense kasama ang National Disaster Coordinating Council (NDCC), Department of Interior and Local Government (DILG) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa maagap at sestimatikong pag-responde ng City Disaster Coordinating Council sa anumang sakuna.

Maging ang achievements ng mga Barangay Sta Rita at New Cabalan bilang Hall of Famer sa Lupong Tagapamayapa Incentives Award (LTIA) gayundin ang Barretto para ‘’2006 Barangay of the Year Award’’ at muli bilang LTIA awardee ay pinahalagahan ni Mayor Bong Gordon.

Maging ang mga naisakatuparang infra-structure projects tulad ng Center for Women, Pier B, City Mall ‘’Voluntas Tua’’, Gordon College Vazbuilt, Banicain Fishport, Rehabilitation of Light House, konstruksyon ng lansangan, paaralan, gusali at ang matatapos ng Youth Center at marami pang iba ay binanggit rin ni Mayor Gordon.
Bilang pagtatapos ng mensahe ay pinasalamatan ng punong-lungsod ang lahat ng mga tumulong sa kanyang administrasyon at muling hiningi ang suporta upang makamit ang higit pang mas maunlad na Olongapo.


Pao/rem

Labels: , , , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012