OUTGOING CITY COUNCILORS, PINARANGALAN
Sa bisa ng Resolution No. 66 (Series of 2007) ay tinanggap ni former City Councilor at ngayo’y Vice-Mayor Cynthia Cajudo ang komendasyong nagbibigay halaga sa hindi matawarang kontribusyon nito sa ilang dekadang paglilingkod bilang miembro ng Sanggunian.
Sentro rin ng komendasyon ang mataas na kalidad ng serbisyong ibinigay ng dating kagawad sa ibat-ibang komitiba na kanyang hinawakan kabilang na ang pamumuno sa Finance and Appropriations, Rules and Privileges and Transportation at ang pagiging chairperson ng majority block sa katatapos na konseho.
Sa Resolution No. 67 (Series of 2007) naman ay binigyang komendasyon ang anim (6) na taong paglilingkod sa Sangguniang Panlungsod ni Kgd. Bella P. Asuncion partikular na sa pamumuno nito sa Committee on Family, Women and Gender Equality at Livelihood and Cooperative.
Binigyang pagpapahalaga rin ang adbokasiya ni Kgd. Asuncion o ‘’Nanay Bell’’ kung tawagin, sa mga Balikatan Movement at women empowerment gayun din bilang Presidente ng Balikatan Ladies of Olongapo Movement (BLOOM).
Samantala, sa Resolution No. 68 (Series of 2007) ay binansagang ‘’Model of Truly Dedicated Public Servant’’ si Kdg. Angelina Andrada bunga ng tatlumpot-siyam (39) na taong pagbibigay serbisyo sa lungsod.
Si ‘’Doc Hally’’ kung tawagin ng mga ka-trabaho at kaibigan ay nagsimula bilang Clinic Physician at Rural Health Physician hanggang italaga bilang City Health Officer noong 1995 at nagpatuloy bilang Public Health Consultant hanggang 1998 kung saan nagsimula ang karera bilang kinatawan ng Sangguniang Panlungsod.
Sa Resolution No. 69 (Series of 2007) ay binigyang komendasyon naman ang tatlong (3) taong serbisyo ni Kgd. Brian Patrick H. Gordon bilang Chairman ng Committee on Police Matters na kung saan malaki ang nai-ambag sa sunod-sunod na pagkakahirang sa lungsod bilang Peace and Order Awardee ng bansa.
Ang Resolution No. 70 (Series of 2007) ay nagbigay komendasyon din kay dating City Councilor Teodoro ‘’Ted’’ del Rosario dahil sa kanyang mga naiambag na kontribusyon bilang City Councilor sa loob ng pitong (7) taon.
Ang dating kagawad na ngayon ay kinatawan ng Lungsod ng Olongapo sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) bilang Board of Director ay binigyang komendasyon dahil sa maayos na pamununo sa komitiba na kanyang hinawakan tulad ng Livelihood, Tourism, Cooperatives and Transportation at Business na nagbunga sa pagtatayo ng ‘’One Stop Business Center’’ sa lungsod.
Ini-abot ang komendasyon ng bagong set ng Sangguniang Panlungsod kasama si City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. na masayang bumati sa mga pinarangalan.
Tinanggap ni former City Councilor Bella P. Asuncion ang komendasyon buhat kay Mayor Bong Gordon habang nakamasid ang bumubuo ng Sangguniang Panlungsod sa ginanap na inaugural session nitong ika-4 ng Hulyo 2007 sa FMA Hall ng City Hall. Tumanggap rin ng pagkilala ang apat (4) pang ‘’Outgoing Councilors’’ na sina Cynthia Cajudo, Angelina Andrada, Brian Patrick Gordon at Teodoro del Rosario.
Pao/rem
Labels: CITY COUNCILORS, OUTGOING, PINARANGALAN
0 Comments:
Post a Comment
<< Home