Amelia Gordon, nagdiwang ng ika-87 kaarawan
Ipinagdiwang ang ika-87 kaarawan ni dating city mayor at former assembly woman Amelia Juico Gordon nitong ika-4 ng Setyembre sa Admiral Hotel.
Dinaluhan ng ilang dignitaries, personal na mga kaibigan at mga kapamilya ang payak na pagdiriwang ng kaarawan ni Amelia Gordon, ina nina Senator Richard “Dick” Gordon at Mayor James “Bong” Gordon, Jr., na kinikilala din bilang “Ina ng Lungsod” ng Olongapo.
Magugunitang kilala rin si Ma’am Amelia Gordon sa dami ng mga kapos-palad at mga batang kanyang kinalinga at kinupkop noong kanyang panahon hanggang sa kasalukuyan.
Dekada singkwenta (50) nang magsimulang maging ina si Amelia Gordon para sa mga batang kapos sa pagmamahal at pagkalinga. Matapos ang masaklap na pagkamatay ng kanyang kabiyak at dating punong lungsod na si James Leonard Gordon,Sr., nahalal si Amelia Gordon bilang mayor. Siya ay naglingkod mula 1968 hanggang 1971 bilang mayor at naging kinatawan naman ng Olongapo sa Batasang Pambansa noong 1972.
Sa kabila ng kanyang pagpasok sa pulitika ay nagpatuloy pa rin ang kanyang pagkalinga sa mga kapos-palad. Habang abala sa pagpapaunlad ng Olongapo ay itinatag ni Amelia Gordon ang mga organisasyong tumutulong sa mga mahihirap tulad ng Iba-Olongapo Catholic Women’s League, Olongapo City Red Cross, Olongapo Civic Action Group, at Olongapo Boys’ Town and Girls’ Home na magpahanggang sa ngayon ay matatag na mga organisasyong umaalalay sa mga Olongapeňo..
Isang matagumpay na businesswoman din si Amelia Gordon. Itinayo niya ang kauna-unahang centrally air-conditioned restaurant, sinehan, grocery, bakery at multi-story hotel sa lungsod na kilala sa pangalang Admiral kung saan idinaos ngayon ang kanyang ika-87 kaarawan.
Dahil sa kanyang mga di-matatawarang achievements, nagkamit ng di mabilang na awards si Amelia Gordon. Kabilang sa mga ito ang Doňa Aurora Aragon Medal Award, Silver Jubilee Family Award, Silver Medal Award mula sa Philippine National Red Cross (PNRC), Gintong Ina Award Alay kay Inay ’85, Gold Humanitarian Service Cross Award noong 1993, Centennial Woman of the Year Award noong taong 2000, at Pearl S. Buck International Award noong 2004.

Si Ma’am Amelia Gordon, ina nina Senator Richard Gordon at Mayor Bong Gordon, sa kanyang ika-87 kaarawan noong Setyembre 4 , 2007 sa Admiral Hotel.
PAO/jpb
Labels: Admiral Hotel, Amelia Juico Gordon, ika-87 kaarawan
0 Comments:
Post a Comment
<< Home